Ano ang Nakakaapekto sa Sea Freight Rates sa Pilipinas?
Ano ang mga nakakaapekto sa sea freight rates sa Pilipinas?
- Distansya ng biyahe
- Bigat at sukat ng kargamento
- Uri ng Kargamento
- Panahon ng pagpapadala
- Currency exchange rates
- Port fees at customs charges
Overview
- Sea freight rates sa Pilipinas ay naapektuhan ng distansya ng byahe, bigat at sukat ng kargamento, uri ng kargamento, panahon ng pagpapadala, currency exchange rates, at port fees o customs charges.
- Ang bawat isa sa mga ito ay maaaring magdulot ng pagbabago sa kabuuang gastos ng shipping.
- Sa mga naghahanap ng transparent at abot-kayang serbisyo, makakatulong ang CargoBoss para gawing simple at hassle-free ang proseso ng pagpapadala.
Sa panahong laganap ang kalakalan at online business, mahalaga ang maayos at abot-kayang pagpapadala ng mga consumer goods mula ibang bansa patungong Pilipinas. Isa sa mga pangunahing pagpipilian ng mga negosyante ay ang sea freight, dahil sa kakayahan nitong magdala ng malalaking volume ng produkto sa mas murang halaga.
Sa artikulong ito, pag-uusapan natin kung ano ang nakakaapekto sa sea freight rates sa Pilipinas. Importanteng maintindihan ito ng bawat importer at negosyante upang makagawa ng matalinong desisyon sa pagpili ng serbisyo at pagpaplano ng kanilang shipping expenses.
Kung nagbabalak kang mag-import mula China papuntang Pilipinas, magandang partner ang CargoBoss para sa ‘yo! Sa kanilang malinaw na rates at maaasahang serbisyo, siguradong hassle-free ang bawat padala. Alamin kung paano kami makakatulong sa iyong negosyo!
Distansya ng Byahe

Mas malayo ang byahe, mas malaki ang gastos sa gasolina, manpower, at maintenance ng barko na nagpapadala ng mga produkto. Dahil dito, ina-adjust ng mga freight forwarder ang presyo depende sa layo ng ruta na tatahakin.
Halimbawa, mas mahal ang shipping fee mula Europe papuntang Pilipinas kumpara sa shipping mula China, dahil sa mas mahabang byahe at mas mataas na operational cost. Mahalaga rin itong isaalang-alang ng mga importer lalo na kung regular ang kanilang pagpapadala ng goods. Sa ganitong paraan, mas mapapaganda nila ang kanilang costing at makakaiwas sa surpresang gastos.
Bigat at Sukat ng Kargamento
Kapag mas mabigat at mas malaki ang kargamento, mas mahal ang shipping cost dahil mas maraming espasyo at mas malaking timbang ang kinakailangang i-load ng barko. Madalas na ginagamit na basehan dito ng CBM (cubic meter) o kilo, depende kung alin ang mas mataas sa dalawa.
Halimbawa, kahit maliit ang volume ng isang cargo pero sobrang init naman, p’wede itong magkaroon ng dagdag na bayad para sa overweight management. Kaya importanteng i-compute nang maayos ang timbang at sukat ng ipapadalang produkto bago magpa-book ng shipment.
Uri ng Kargamento
May mga produkto tulad ng electronics, kemikal, o refrigerated goods na kailangan ng espesyal na handling at storage, kaya mas mahal ang bayad sa pagpapadala ng mga ito. Maliban dito, may mga goods din na itinuturing na high-risk o regulated, kaya may dagdag na proseso at gastos.
Halimbawa, ang pagpapadala ng mga produkto tulad ng batteries o liquid chemicals ay kailangang may kasamang special documentation at safety handling payments. Kaya mahalagang tukuyin kung anong klase ng kargamento ang ipapadala para mas maayos at tama ang makuha mong freight rate.
Panahon ng Pagpapadala

Kapag peak season tulad ng “ber” months, Chinese New Year, at holidays, tumataas ang demand sa shipping services kaya normal lamang na mas mataas din ang singil sa freight. Mas maganda kung makakapagplano nang maaga at iiwas sa peak months para mas makatipid sa shipping fee.
Samantala, mas abot-kaya naman ang freight rates kapag lean season o panahong hindi masyadong maraming nagpapadala ng kargamento. Karagdagan, may mga pagkakataon ring naaapektuhan ng bagyo o masamang panahon ang shipping schedule at presyo ng kargamento. Kaya mahalagang i-konsidera ang timing ng pagpapadala para maiwasan ang additional na gastos at delay.
Currency Exchange Rates
Kapag humina ang halaga ng piso kontra sa dolyar o RMB (Chinese Yuan), tumataas din ang halaga ng bayad sa freight dahil karamihan sa bayarin ay naka-depende sa foreign currency. Kaya’t kahit pareho ang laki at bigat ng kargamento, nagbabago ang presyo ayon sa galaw ng palitan.
Dahil dito, marami ding negosyo ang nagbabantay sa galaw ng exchange rates bago magpa-book ng shipment. Mas mainam kung may ka-partner kang freight forwarder na nagbibigay ng malinaw at up-to-date rates base sa kasalukuyang foreign exchange, gaya ng CargoBoss.
Sa ganitong paraan, mas nagiging madali ang pag-handle ng gastusin sa shipping at mas maiiwasan ang biglaang dagdag singil.
Port Fees at Customs Charges
Bawat kargamento na dumarating sa bansa ay kailangang dumaan sa port at customs, kung saan may mga bayarin tulad ng handling, documentation, at import duties base sa uri at halaga ng items. Ang mga ito ay nagkakaiba-iba sa bawat shipment at port, kaya mahalagang isama ito sa pagtutuos ng kabuuang gastos.
Karagdagan, may mga pagkakataon din na nagkakaroon ng dagdag bayad kapag peak season o kapag maselan ang laman ng shipment. Kaya mas mainam kung ang iyong freight forwarder ay nagbibigay na ng all-in rates para hindi ka masurpresa sa mga dagdag singil pagdating ng kargamento. Sa CargoBoss, kasama na sa amin ang malinaw na presyo ang mga ganitong bayarin para worry-free ang iyong pag-aangkat.
Key Takeaway
Ngayong alam mo na kung ano ang nakakaapekto sa sea freight rates sa Pilipinas, ito na ang tamang pagkakataon upang mag-desisyon at pumili ng mapagkakatiwalang freight forwarder.
Kung naghahanap ka ng maaasahang partner sa sea freight shipping, nandito ang CargoBoss upang matulungan ka. Tiniyak namin ang makatarungan at transparent na mga serbisyo para sa iyong negosyo. Makipag-ugnayan sa amin ngayon at simulan ang maayos na pagpapadala.