Bakit Mahusay ang CargoBoss Bilang Freight Forwarder from China to the Philippines?

Bakit mahusay ang CargoBoss bilang isang freight forwarder?

  1. Mayroong matibay na karanasan sa industriya ng freight forwarding
  2. Malawak ang network sa mga carriers at agents
  3. Nagbibigay nang maasahang freight forwarding services
  4. Mayroong maasahan, mapagkakatiwalaan, at magagaling na staff
  5. Nagbibigay ng abot-kayang shipping rates


Lumalaki ang logistics market ngayon sa Pilipinas kung kaya’t mas marami nang pagpipilian na freight forwarder ang mga Pilipinong nagbebenta online. Tandaan natin na ang bawat freight forwarder ay may iba’t-ibang katangian. Mula sa mga maliliit pa lamang at naka-focus sa lokal na merkado habang ang iba’y kayang-kaya nang mag-import ng mga goods mula sa China.

Iba-iba rin ang kanilang mga serbisyo, customer services at shipping rates. Kaya naman ang malaking katanungan: sino nga ba ang mahusay ang isang freight forwarder?

Kay pag-uusapan natin dito kung bakit CargoBoss ang mahusay na freight forwarder from China to the Philippines.

Mayroong Matibay na Karanasan sa Industriya ng Freight Forwarding

Mayroong Matibay na Karanasan sa Industriya ng Freight Forwarding

Kahit sino ay p’wedeng magtayo ng kani-kanilang freight forwarding sa Pilipinas, kaya naman importanteng malaman mo kung may sapat bang karanasan ang isang freight forwarder sa nasabing industriya.

Ang CargoBoss ay kilala ng maraming Pilipino lalo na ng mga online sellers dahil sa maayos at mapagkakatiwalaan naming mga serbisyo na kaakibat ng maraming taon naming karanasan sa industriya.

Marami na kaming nai-import na mga goods mula sa China patungong Pilipinas. Maliban sa mga Pinoy online sellers, kami’y nagbibigay din ng mga magiginhawang freight forwarding services sa iba’t-ibang industriya sa bansa tulad ng automotive, food and drink, retail, furniture, at packaging industry. Kaya naman kami’y nakakapag-ship ng anumang legal na goods dahil sa aming mga kliyente.

Malawak ang Network sa mga Carriers at Agents

Ang CargoBoss ay mayroong tatlong warehouse sa China: Guangzhou, Shishi, at Yiwu. Mayroon din kaming mga trucks at port installations upang maging maayos ang pagshi-ship ng mga goods. Ang mga ito’y nakakatulong upang mas lumawak pa ang aming network sa mga carriers at agents.

Ang mga carriers at agents na ito ay ang mga taong tumutulong sa amin sa pag-aasikaso ng mga cargo shipping goods upang ligtas itong makarating sa aming mga kliyente. Mula sa pag-o-oversee ng mga booking ng mga containers hanggang sa pagkuha ng slot upang maipasok ang mga cargo goods sa loob ng vessel patungong Pilipinas.

Ang pagkakaroon namin ng mga carriers at agents ay nakakatulong upang maging matagumpay ang aming mga freight forwarding services.

Nagbibigay nang Maasahang Freight Forwarding Services

Nagbibigay nang Maasahang Freight Forwarding Services

Ang mga freight forwarders ay nagbibigay ng iba’t-ibang mga freight forwarding services na kailangan ng mga tao tulad ng Full Container Load o Less than Container Load. Ngunit, hindi lamang dapat nalilimitahan sa dalawang ito ang serbisyong ibinibigay ng mga freight forwarders.

Sa CargoBoss, nagbibigay din kami ng door-to-door delivery ng mga shipping goods mula sa China patungo sa iyong address. Ito’y dahil naniniwala kami na hindi sapat ang makarating ang mga goods sa Pilipinas. Mas mainam kung ang mga ito’y ipapadala sa labas ng pintuan ng iyong tahanan. Sa ganitong paraan, nakakatiyak kami na ligtas mong makukuha ang mga goods na iyong binili sa China.

Maliban pa sa aming door-to-door delivery, mayroon din kaming Pabayad Service. Ito’y nakakatulong sa pagbaba ng presyo nang pag-i-import ng mga produkto mula sa China. Maari mong basahin ang kabuuan ng aming Pabayad Service dito at sundin ang simpleng mga hakbang.

Mayroong Maasahan, Mapagkakatiwalaan, at Magagaling na staff

Ang tagumpay ng CargoBoss bilang isang mahusay na freight forwarder ng mga imported products mula sa China patungong Pilipinas ay resulta ng aming mga maasahan, mapagkakatiwalaan, at magagaling na staff.

Ang marami sa atin ay alam na maraming regulations at legal na requirements (na nakadepende mula sa bansa patungo sa isang bansa) na kailangang sundin at asikasuhin upang masigurong maayos ang cargo shipping.

Ang aming mabubuting staff ng CargoBoss ay may karanasan sa pag-aasikaso ng mga ito at may kaalaman sa mga freight forwarding services na aming ibinibigay. Kaya naman nagkakaroon ng hassle-free transaction ang aming mga kliyente sa ‘min. Bilang resulta, nararanasan nila ang maganda at payapang serbisyo namin.

Nagbibigay ng Abot-Kayang Shipping Rates

Sa dami ng mga kliyenteng aming binigyan ng freight forwarding services, ang una nilang tinatanong sa amin ay kung magkano ba ang aming shipping rates. Sa mga nakalipas naming blog posts, palagi naming dinidiin na abot-kaya lamang ang aming mga shipping rates.

Sa halagang P9,750/CBM ALL-IN, maari ka nang bumili ng maraming imported products sa China. Kasama na sa aming shipping rate ang customs taxes and duties, warehouse storage fees, at documentation fees. Naniniwala kami sa CargoBoss na hindi kailangan ang mahal na shipping rate sa pagbibigay ng de kalidad at maasahang cargo shipping services.

Kaya naman sa usaping mababang freight forwarding shipping rates, CargoBoss ang mandalas na binabanggit ng maraming Pilipino online. Patunay dito ang mga vlogs sa YouTubeat magagandang customer feedback sa aming Facebook page at website.

Tara na’t abutin ang iyong pinaka inaasam na business sa tulong ng CargoBoss!

Key Takeaway

Ating napag-usapan kung bakit CargoBoss ang mahusay na freight forwarder from China to the Philippines. Ang mga katangian na aming binanggit ay makakatulong sa ‘yo upang mas magkaroon ka ng ideya kung paano naming bigyan ng serbisyo ang aming mga kliyente.

Nais mo bang mag-ship ng mga imported products mula sa China patungong Pilipinas? Dito ka na sa CargoBoss. Kumpleto ang mga sea freight forwarding services na aming ibinibigay sa mga kliyente sa murang halaga.

Kung may iba ka pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa CargoBoss. Excited na kaming maging partner mo sa pagsasakatuparan ng iyong negosyo!