Bakit Mas Matagal ang Shipping Tuwing Pasko?

Bakit mas matagal ang shipping tuwing Pasko?

  1. Mataas ang demand ng shipping
  2. Maraming namimili dahil sa Pasko
  3. Kondisyon ng panahon
  4. Inspeksyon sa customs
  5. Matinding traffic at congestion sa ports

Overview

  • Sa panahon ng Pasko, maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagpapadala dahil sa mas mataas na demand at maraming mga orders.
  • Mga dahilan ng pagkaantala ay ang mataas na demand sa mga serbisyong pang-shipping, mas maraming shopping sa panahon ng Pasko, kondisyon ng panahon, pagsusuri sa mga kargamento sa customs, at trapiko at congestion sa mga ports.
  • Bagamat may mga hamon, nagtatrabaho ang mga logistic companies tulad ng CargoBoss sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano at pag-aayos ng operasyon.

Sa panahon ng Pasko, isang karaniwang problema sa shipping ay ang mas mataas na dami ng mga padala at posibilidad na mas bumabagal ang oras nang paghahatid nito. Maraming dahilan kung bakit mas matagal ang shipping tuwing Pasko, at mahalagang maunawaan natin ang mga ito upang mapaghandaan nang maayos ang pag-order ng mga regalo at iba pa para sa ating mga kaibigan, pamilya, kasintahan, o para sa sarili.

Ating tatalakayin ang mga posibleng dahilan kung bakit nangyayari ito at kung paano tayo makakagawa ng mga hakbang para dito.

Mataas ang Demand ng Shipping

Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigay ng regalo, kaya't maraming nag-o-order online para sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Lumolobo ang online shipping sa panahong ito dahil sa holiday sales at discounts na ibinibigay ng mga businesses sa kanilang mamimili.

Nagiging dahilan ito upang tumaas ang demand para sa shipping services. Ito’y nagrerersulta ng mas maraming transactions at padala na kinakailangang asikasuhin ng mga shipping companies.

Maraming Namimili dahil sa Pasko

Maraming namimili dahil sa Pasko

Mas nagiging aktibo rin ang bawat mamimili sa paghahanap at pagbili ng mga regalo para sa mga mahal nila sa buhay. Dahil dito, mas dumarami rin ang mga natatanggap na padala ng mga courier services.

Ang masiglang pag-sho-shopping na ito ay nagiging bahagi na ng kultura ng ating Pasko. Subalit, ang dami ng mga tinatangkilik na produkto at mga ipinadadala sa pamamagitan ng mga couriers ay nagiging sanhi ng mas mahabang pila at mas matagal na paghihintay para sa pagdating ng mga regalo.

Kondisyon ng Panahon

Ang pagbabago ng panahon ay isa rin sa dahilan kung bakit mas napapatagal ang cargo shipments. Kung ikaw ay bumili ng mga produkto mula sa mga lugar na may malamig na klima, ay maaaring maging isang pangunahing hadlang ito sa mabilisang paglipad at pagdating ng mga kargamento, lalo na kung panahon ito ng Pasko.

Ang mga ganitong kondisyon ng panahon ay maaaring magresulta sa pagkansela ng mga flights o pag-o-on-hold ng mga delivery trucks, na nagbibigay ng dagdag na oras sa paghahatid.

Gayunpaman, ito rin ay bahagi ng pagsusumikap ng mga shipping companies na mapanatili ang kaligtasan at integridad ng kanilang serbisyo kahit pa sa harap nang hindi inaasahang pagbabago ng panahon.

Inspeksyon sa Customs

Inspeksyon sa customs

Mas nagiging mahigpit din ang pagsusuring isinasagawa ng customs sa mga ipinapadala mula sa ibang bansa. Ang layunin nito ay tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa pagpasok ng mga kargamento, partikular na sa pagtitiyak na walang maipapadalang mga bawal o ilegal na produkto.

Ito man ay nagdudulot ng kaunting paghihintay para sa mga nagpapadala at mga makakatanggap, ito’y isang hakbang na kailangang sundin upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa pagpapadala ng mga kargamento.

Matinding Traffic at Congestion sa Ports

Tuwing Pasko ay mas nagiging matindi ang trapiko at congestion sa mga ports, kung saan dumadaan ang maraming kargamento. Ang dami ng mga barkong nagpapadala ng mga cargo shipments mula sa iba’t-ibang bansa ay nagiging sanhi ng mas maraming oras nang paghihintay bago maikarga o makarating sa kanilang paroroonan.

Ang masusing koordinasyon nang pag-aayos ng mga kargamento sa loob ng mga ports ay nagiging mas komplikado, na nagdudulot ng mas matagal na pila ng mga shipments.

Bagamat ito'y madalas na nangyayari sa panahon ng Pasko, ang mga logistic companies ay patuloy na nagtatrabaho upang maibsan ang epekto nito sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan nang masusing pagpaplano at pag-aayos ng kanilang operasyon.

Key Takeaway

Ang dahilan kung bakit mas matagal ang shipping tuwing Pasko ay dulot ng mga sari-saring mga dahilan, subalit kahit gaano pa kalaking abala ito sa parte ng mga shipping companies, makakasigurado ka pa ring gagampanan nila ang kanilang tungkulin upang makarating sa iyo ang iyong mga ipinadala nang ligtas at maayos.

Para sa mas mabilis, mas maaasahan, at abot-kayang pagpapadala ng iyong mga kargamento kahit na sa panahon ng Pasko, subukan mo na ang serbisyo ng CargoBoss. Piliin mo kami at makakasiguro ka sa mabilis, maaasahan, at abot-kayang paraan nang pagpapadala. Mag-iwan ng mensahe sa amin dito para sa anumang katanungan sa aming shipping services mula sa China patungong Pilipinas.