Freight Forwarder vs Broker: Ano ang Pipiliin Mo?
Overview
- Sa pag-handle ng international shipments, mahalagang malaman ang pagkakaiba ng freight forwarder at broker.
- Ang mga freight forwarder ay nag-aalok ng kumpletong serbisyo mula sa pag-aasikaso ng dokumento hanggang sa monitoring ng kargamento gamit ang advanced na teknolohiya.
- Samantalang ang mga freight broker naman ay nakatuon sa pag-uugnay ng shippers at carriers, at sa pag-negotiate ng mga rates.
Sa pag-handle ng international shipments, mahalagang malaman ang pagkakaiba ng freight forwarder vs broker. Pareho silang may mahalagang papel sa shipping process, pero magkaiba ang kani-kanilang responsibilities.
Sa article na ito, ating ipapaliwanag ang kaibahan nilang dalawa para malaman mo kung alin ang mas babagay sa ‘yong negosyo at logistics needs.
Ano ang Freight Forwarder?
Ang isang freight forwarder ay tumutulong sa pagpapadala ng mga goods mula sa ibang bansa papasok sa Pilipinas. Sila ay nag-aayos ng transportation via ocean o air freight at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo tulad ng pag-aasikaso ng documents at customs.
Sa kanilang tulong, nagiging mas madali at mabilis ang paghatid ng mga shipments. Narito ang ilan sa kanilang range of services:
- Transportation: Pinipili nila ang pinakamahusay na transportation process tulad ng water, air, o land. Tinitiyak nila ang maingat na paghawak at paghatid ng iyong mga goods.
- Consolidation of Cargo: Pinagsasama-sama nila ang maliliit na padala sa isang LCL upang makaiwas sa gastos o kaya naman ina-accommodate ang buong shipment mo sa FCL lalo na kung marami kang ipapadala.
- Documentation: Inaasikaso nila ang lahat ng mga shipping documents at sinisigurong sumusunod sila sa customs para maiwasan ang anumang delay.
Ano ang Freight Broker?
Ang freight broker ay tagapamagitan ng shipper at ng carrier ng cargo. Hindi nila hinahawakan ang cargo. Inaayos nila ang pakikipag-communicate sa dalawang parties. Sila ang tumutulong para masigurong maayos ang paglipat ng cargo at darating ito nang ligtas at sa tamang oras.
Ating alamin ang ilan sa kanilang mga services sa kanilang mga clients:
- Negotiation Rates: Gamit ang kanilang expertise at mga connections sa industriya, humahanap sila ng cost-effective rates para makatipid ang mga clients nila.
- Secure Transport Options: Humahanap sila nang pinakamaayos na carrier na maghahatid ng iyong mga goods sa iyong location o address.
- Connect Shippers at Carriers: Kino-connect nila ang shipper at carrier para masigurong maibibigay ng dalawa ang iyong mga logistic requirements.
Ano-ano ang Pinagkaiba ng Forwarder at Broker?
Bagaman pareho silang mahalaga sa shipping at logistics, malaki pa rin ang pinagkaiba ng dalawa patungkol sa kani-kanilang mga responsibilities at services.
Range of Service
Ang mga freight forwarders ay nag-aalok ng logistic services tulad ng transportation, documentation, warehousing, at distribution. Sila ang nagma-manage ng buong proeso hanggang sa maipadala ang iyong shipment sa iyong lugar.
Sa kabilang banda naman, ang mga brokers ay naka-focus sa pagne-negotiate ng mga rates at pagve-verify ng mga transportation options. Sila ang pumapagitna sa shipper at carrier ng iyong mga goods.
Responsibilities at Control
Ang mga freight forwarders ang responsible sa pagbabantay o pagmo-monitor ng progress ng iyong shipment. Ginagawa nila ito upang masigurong maipapadala nang maayos ang iyong mga padala nang hindi lumalabag sa anumang regulations.
Ang mga brokers naman ang nagpapadali ng transaction sa pagitan ng shipper at carrier. Ngunit, wala silang responsibilidad sa physical movement o documentation ng iyong mga ipapadala.
Expertise at Specialization
Ang freight forwarder ang nag-o-oversee sa buong process mula sa pagkuha ng cargo hanggang sa paghahatid nito sa destination. Samantala, ang broker naman ay naka-focus sa pakikipag-communicate at pakikipag-coordinate sa pagitan ng shipper at carrier.
Pareho nilang tinitiyak na makakarating nang maayos at sa tamang oras ang mga goods.
Shipment Monitoring Capabilities
Karaniwang nag-aalok ang mga freight forwarders ng advanced technology tulad ng GPS para masubaybayan ang iyong cargo. Dahil dito, nakakakuha sila ng exact information tungkol sa status at location ng iyong padala. Nabibigyan nang linaw ang customer tungkol sa progress ng kanilang shipment habang ito’y nasa biyahe.
Bagaman p’wedeng magbigay ng impormasyon ang broker tungkol sa progress ng mga shipments gamit ang kanilang network, hindi nila kayang ibigay ang buong detalye nito. Ang main responsibility nila ay makipag-transact at coordinate sa shipper at carrier, at hindi ang pag-track ng cargo.
Kailan Mo Dapat Piliin ang Freight Forwarder?
Ang paggamit ng freight forwarder ay ideal para sa mga negosyong nangangailangan ng kumpletong suporta sa logistics process at continuous service mula simula hanggang sa makuha nila ang shipment.
Ang mga services nila ay kapaki-pakinabang lalo na kung malaki ang volume ng iyong cargo dahil kinakailangan nito ng effective handling at care.
Key Takeaway
Ang pagpili sa pagitan ng isang freight forwarder vs broker ay nakadepende sa antas ng serbisyong kailangan mo para sa iyong shipment. Kung kailangan mo ng comprehensive logistic process, mas maigi kung kukunin mo ang expertise ng isang freight forwarder.
Pillin ang CargoBoss para sa iyong international shipments mula sa China patungong Pilipinas. Kami ay nakakasiguro na ang iyong mga goods ay makakarating sa kanilang destinasyon nang maagap at ligtas. ‘Wag mag-atubiling lumapit o makipag-usap sa aming team.