Mga Bagay Na Nakakaapekto Sa Iyong Freight Shipping Cost

Ano-ano ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong freight shipping cost?

  1. Bilis ng delivery
  2. Timbang 
  3. Orihinal na lokasyon at destinasyon 
  4. Panahon
  5. Hindi inaasahang pangyayari
  6. Mahigpit na custom regulations

Maraming kompanya ngayon ang umaasa sa mga sea freight forwarding companies,  lalo na ang mga small at medium-sized companies, na bumibili ng kanilang mga paninda sa China. Dahil sa tulong ng mga sea freight companies, nagiging posible ang pag-i-import o pag-e-export ng mga goods mula sa China patungong Pilipinas.

Ngunit, hindi rin maitatanggi na nag-iiba ang freight shipping cost dahil sa mga bagay na nakakaapekto rito. Sa blog na ito, ating iisa-isahin ang mga ito upang magkaroon ka ng ideya kung bakit nga ba ito nangyayari.


Bilis ng Delivery

Bilis ng Delivery

Simula nang dumating ang pandemic, naging mabilis na ang pagde-deliver ng mga goods kung saan naging posible na ang same-day o overnight deliveries. Ngunit, pagdating sa mga sea freight services, naaapektuhan ang freight shipping cost kung nais mong mai-deliver nang mas mabilis ang iyong mga imported goods imbes na magkaroon ito ng multiple stops kada linggo.

Sa CargoBoss, sigurado kang on-time ang aming delivery upang masigurong makakatipid ka sa oras at pera dahil sa aming mga maasahang logistic partners.


Timbang 

Maliban sa delivery, ang timbang ng iyong imported goods ay nakakaapekto sa presyo ng freight shipping. Kapag mas malaki ang package, ibig sabihin ay mas kailangan nito ng malaking espasyo at maraming manpower para ma-import ito nang maayos. 

Upang hindi ka gumastos nang malaki, maari kang makipag-partner sa CargoBoss. Kami’y nagbibigay ng affordable rates at excellent customer service para magkaroon ka ng pagkakataon na matupad ang iyong mga business goals ng hindi naglababas ng malaking halaga.


Orihinal Na Lokasyon At Destinasyon 

Ang orihinal na lokasyon at destinasyon ng iyong imported goods ay nakakaapekto rin sa freight shipping cost. Kung ikaw ay magshi-ship sa dagat, dapat mong alamin na ang mga ships o ports ay may iba-ibang rates. 

Ngunit, bilang isang business owner, alam naming hindi n’yo kasalanan kung malayo o malapit ang distansiya ng iyong supplier. Alam din namin na nais n’yong makamura kung kaya’t sa China kayo bumibili ng mga produkto dahil sa murang halaga. 

Sa CargoBoss, maari ka nang makamura sa cargo delivery sa aming P9,500/CBM at kasama na rito ang custom taxes fees. Mayro’n kaming tatlong warehouse sa China: Guangzhou, Shishi, at Yiwu. Kung kaya’t makakasiguro kang hindi mabubutas ang iyong bulsa at makakaipon ka pa upang mas mapalago ang iyong small business.


Panahon

Ang panahon o season trends ay may malaking epekto sa freight shipping post. Ito’y sa kadahilanang kapag mas mataas ang demand ng consumers, mas malaki ang shipping costs. Upang maiwasan ito, mas maiging bumili ng bulk orders sa iyong supplier sa China. 


Sa Pilipinas, ang huling tatlong buwan ng taon ay mayroong mataas na demand ng mga consumers sa pagbili ng mga produkto sa loob o labas man ng bansa. Ito’y bilang paghahanda sa Pasko na ipinagdiriwang ng maraming Pilipino. Kung kaya naman ang mga suppliers ay palaging busy sa buwan ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre. Kung nais mong hindi mapamahal sa freight shipping cost, mainam na iwasang bumili ng imported goods sa China sa mga buwang ito.


Hindi Inaasahang Pangyayari

Sa mga lumipas na taon, maraming mga hindi inaasahang pangyayari ang naranasan ng mga business owners tulad ng weather strikes, shortages, inflation, at pandemic. Ang mga ito’y labis na nakakaapekto sa mga supply chains na nagiging resulta sa pagtaas ng presyo ng shipping delivery at freight costs. Dahil dito, nagkakaroon ng adjustment, rerouting deliveries, at hindi natatanggap ng customer ang kanilang mga goods sa petsang napag-usapan. Sa huli, nagiging rason din ito kung bakit tumataas ang freight rates sa mga huling oras o araw bago makuha ang mga nasabing goods.


Mahigpit Na Custom Regulations

Sa mga business owners na bago pa lang sa mundo nang pagne-negosyo, ang pagbili ng mga imported goods ay isang mahabang proseso na kadalasan ay nagbibigay ng problema o stress dahil sa istrikto o mahigpit na custom regulations. Kinakailangan mo ring magbayad ng mga extra fees na nakadepende pa ang halaga sa bansang pagkukunan mo ng imported goods.

Ngunit, kung ikaw ay makikipag-partner sa CargoBoss, hindi mo na kailangang asikasuhin pa ang mga papeles, custom taxes, at iba pa dahil ang aming team na ang bahala sa mga ito. Ang lahat ng mga proseso, dokumento, at iba pang kailangan ay kami ang mag-aayos habang ang aming customer service ang siyang mag-a-update sa ‘yo tungkol sa progress ng iyong import goods.

Kung nais mo pang malaman ang tungkol sa aming affordable freight rates, basahin lamang ito


Key Takeaway

Sa blog na ito, ating pinag-usapan ang mga nakakaapekto sa freight shipping cost ng mga imported goods. Bilang isang business owner, importanteng malaman mo ito at dapat mo ring tandaan na maiiwasan mo ang mga bagay na ito na maaring magbigay sa ‘yo ng problema kung makikipag-partner ka sa maasahang sea freight forwarding company sa Pilipinas. Kaya para sa iyong China to Philippines shipping, dito ka na sa CargoBoss!

Huwag nag-atubiling mag-iwan ng mensahe sa amin dito. Handang-handa kaming makatulong sa iyong negosyo sa pamamagitan ng aming pinakamurang shipping rates, kaya naman halika ka na sa CargoBoss!