Paano Makatitipid sa International Shipping Mula sa China

Paano ka makakatipid sa international Shipping mula sa China?

  1. Pumili ng maaasahang freight forwarder
  2. Magpadala ng maramihang produkto
  3. Magplano ng padala sa off-peak season
  4. Gumamit ng consolidation service
  5. Siguraduhing tama ang packaging at sukat
  6. Alamin ang Currency Exchange Rate

Overview

  • Maraming paraan para makatipid sa shipping mula China papunta sa Pilipinas, tulad ng tamang pagpili ng freight forwarder, pagpapadala ng maramihan, at paggamit ng consolidation services. 
  • Mahalaga ring planuhin ang padala sa off-peak season at siguraduhin ang tamang packaging. 
  • Sa Cargoboss, asahan ang malinaw na proseso, abot-kayang rates, at maaasahang serbisyo para sa bawat shipment.

Kapag nagnenegosyo ka, mahalagang marunong kang maghanap ng paraan para mas makatipid nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng produkto at serbisyo. Isa sa mga madalas na pinaghahandaan ng mga Pilipinong negosyante ay ang gastos sa pagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa.

Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang ilang praktikal at epektibong tips tungkol sa kung paano makatitipid sa international shipping mula sa China, para mas lumago ang negosyo mo, at mas sulit ang bawat padala.

Pumili ng Maaasahang Freight Forwarder

Pumili ng maaasahang freight forwarder

Hindi lang basta presyo ang dapat tinitingnan, mahalaga ring alamin kung may magandang track record ang forwarder pagdating sa mabilis at maayos na delivery. Kapag maayos ang serbisyo ng forwarder, iwas na ang hassle, dagdag tipid pa sa oras at bayad sa delays o damage.

Magandang pumili ng provider na may malinaw na breakdown charges at walang hidden fees. Tanungin kung may promo rates o consolidated shipping options para mas makamenos sa shipping cost. Sa ganitong paraan, siguradong sulit ang bawat bayad mo sa bawat padala mula China.

Sa CargoBoss, hindi lang abot-kaya ang presyo, kundi siguradong maaasahan sa bawat byahe. Sa amin, garantisado ang all-inclusive rates, malinaw na proseso, at mabilis na serbisyo mula China patungong Pilipinas. 

Magpadala ng Maramihang Produkto

Kadalasan, mas mababa ang shipping rate per item kapag mas marami ang laman ng iyong kargamento, kumpara sa paisa-isang padala. Bukod sa tipid, mas praktikal din ito lalo na kung regular ang iyong pagbebenta o negosyo.

Maaari ka ring makipag-collab sa ibang small business owners para magbahagi sa isang shipment at hati-hatiin ang gastos. Sa ganitong paraan, mas maximize ang shipping space at hindi sayang ang bayad sa freight. Tandaan, mas maayos ang plano, mas malaki ang tipid sa padala.

Magplano ng Padala sa Off-peak Season

Sa mga panahong ito, mas kaunti ang nagpapadala kaya bumababa ang shipping rates at mas mabilis pa ang proseso. Iwasan ang peak seasons tulad ng Chinese New Year, iba pang holidays, at sale events dahil dito tumataas ang demand at presyo ng kargamento.

Mas mainam kung maaga kang magpaplano ng stocks para hindi ka mapipilit magpadala sa mahal na panahon. Maaari mong i-monitor ang shipping calendar o magtanong sa freight forwarder kung kailan pinakamababa ang rates. Sa ganitong diskarte, mas kontrolado mo ang gastos at hindi ka nauubusan ng supplies.

Gumamit ng Consolidation Service

Gumamit ng consolidation service

Sa halip na ipadala ang maliliit na package nang magkahiwalay, mas nakabubuting ipagsama-sama ang mga ito sa isang malaking shipment. Mas mura ang bayad dito dahil mas maliit ang overall shipping fee kumpara sa separate shipping.

Bukod sa pagtitipid, mas organized din ang delivery dahil sabay-sabay darating ang mga produkto mo. Madalas itong inaalok ng mga freight forwarder, kaya’t mainam na itanong kung may ganitong serbisyo bago magpadala. Sa consolidation service, sulit ang bayad at hassle-free pa ang shipping experience mo.

Siguraduhing Tama ang Packaging at Sukat

Tandaan na bukod sa bigat, tinitingnan din ng freight companies ang laki ng kahon o package. Kaya tiyaking compact at maayos ang pagkakabalot ng mga produkto para walang sayang na space.

Kapag tama ang sukat at packaging, hindi lang shipping cost ang nababawasan kundi mas ligtas din ang mga item sa biyahe. Iwas din ito sa dagdag bayad para sa oversized o irregular packages. 

Upang mas malalim ang pagkakaunawa rito, mainam na kumonsulta sa freight forwarder tungkol sa tamang paraan ng pag-pack bago ipadala ang shipment.

Alamin ang Currency Exchange Rate

Kapag mataas ang exchange rate ng Chinese Yuan kumpara sa Philippine Peso, mas lumalaki rin ang babayaran mo para sa shipment at ibang charges. Kaya mainam na laging i-check ang currency exchange rate bago magpadala ng order.

Kung maaari, mag-abang ng mas maganda at mas mababang palitan para mas makatipid. May ilang freight forwarders din na nagbibigay ng fixed rate o promo deals sa mga piling panahon, kaya magandang tanungin ito sa kanila upang mas maging sulit ang bawat padala mo.

Key Takeaway

Ang pag-unawa sa kung paano makatitipid sa international shipping mula sa China ay makatutulong upang mas maiangat pa ang iyong negosyo. Sapagkat malaki ang pagkakaiba ng mga polisiya sa ibang bansa sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman ay unang hakbang tungo sa maayos na pagpapadala.

Sa CargoBoss, hindi mo na kailangan mag-alala dahil kami na ang bahala sa iyong  kargamento. Mula sa maaasahang customer support hanggang sa makatarungan at regulatory-compliant na proseso, sa ami’y hindi kayo mabibigo. Makipag-ugnayan na sa amin ngayon at ating aasikasuhin nang maayos ang iyong mga padala.