Paano Masasabing Reliable Ang Mga Cargo Companies In The Philippines?

Paano mo masasabing maasahan ang mga cargo companies sa Pilipinas?

  1. Subok na dahil may kalidad ang serbisyo
  2. Transparent ito sa kanilang mga customers
  3. Hindi naglalagay ng hidden charges
  4. Handang ipaalam sa ‘yo ang kanilang logistic strategies
  5. Mabilis at malinaw makipag-usap 
  6. May magandang reputasyon at matibay na koneksyon

Maraming mga cargo companies in the Philippines ang nagbibigay serbisyo upang makatulong sa mga business owners na bumibili ng mga imported products na ipinapasok sa bansa. Dahil dito, importanteng masiguro mong maaasahan ang isang cargo company na tutulong sa ‘yo sa pag-i-import ng mga goods na iyong bibilhin sa China.

Ngunit, paano mo nga ba masasabing reliable ang isang cargo company lalo na sa mga first-time na papasok sa mundo ng online business? Narito ang aming blog na makakatulong upang malaman mo kung maaasahan ang isang cargo company.


Subok Na Dahil May Kalidad Ang Serbisyo

Ang una mong dapat tignan ay ang market experience ng isang cargo company dahil dito mo malalaman ang kalidad ng kanilang serbisyo. Ito’y iyong malalaman sa pagre-research tungkol sa kompanya, sa kanilang mga successful shipments, at kung may matibay silang logistic team. 

Maliban dito, tiyakin mo rin kung ang napili mong freight forwarder ay nagbibigay ng serbisyo na kailangan mo tulad nang pag-i-import ng shipment mula sa China patungo rito sa Pilipinas sa tulong ng mga sea transport ships.


Transparent Ito Sa Kanilang Mga Customers

Pangalawa sa pinaka dapat mong alamin ay kung transparent ba ang isang cargo company sa kanilang mga customers. Dito sa CargoBoss, naiintindihan namin na hindi birong halaga ang inilalabas ng aming mga customers mula sa pagbili ng mga imported products sa China at pagkuha ng aming sea freight service upang maipasok ang kanilang mga goods dito sa bansa kung kaya’t transparent kami sa lahat ng mga impormasyon, papeles, estimated delivery, at shipment status ng kanilang mga shipments. 

Sa pamamagitan nito, naipapakita namin ang aming tapat at maasahang serbisyo. Maliban pa roon ay napapatunayan naming maayos ang kanilang pakikipag-partnership sa amin bilang isang maasahang cargo company sa Pilipinas.


Hindi Naglalagay Ng Hidden Charges

Isa sa mga hindi magandang ugali ng isang cargo company ay ang paglalatag ng hidden charges pagkatapos nang napag-usapang presyo ng kanilang cargo service. Isa itong worst case scenario na alam naming ayaw maranasan ng mga online business owners. 

Kung kaya’t dapat mong siguruhin na bukas sa transparency ang isang cargo company bago mo tuluyang kunin ang kanilang serbisyo. Sa CargoBoss, makikita mo na agad ang aming all in rates sa homepage ng aming website. Sa mababang rate na Php 9,500 per CBM, kasama na rin dito ang custom taxes at iba pang fees.

Maari kang pumunta rito upang malaman mo ang aming rates.


Handang Ipaalam Sa ‘Yo Ang Kanilang Logistic Strategies

Ang isang maasahang cargo company ay may maganda at subok nang team na alam ang pasikot-sikot tungkol sa market, technology, at logistics. Bilang isang customer, may karapatan kang malaman kung sino-sino ba ang mga tao sa likod ng kompanya na mag-aasikaso at magtitiyak na maipapadala ang mga imported goods mo sa ligtas at maayos na paraan. Kung may mga specialists ang kompanya, mas mainam at alamin mo kung ano’ng klaseng training o expertise ang mayro’n sila.

Tandaan na ang isang maasahang cargo company sa Pilipinas ay hindi takot na ipakilala ang qualified team nila sa likod ng kanilang mga successful shipments tulad na lamang ng CargoBoss!


Mabilis at Malinaw Makipag-Usap 

Mabilis at Malinaw Makipag-Usap

Sa paghahanap ng isang maasahang cargo company, importanteng i-check mo kung mabilis at malinaw silang makipag-usap patungkol sa mga kailangan o demands mo. Dito sa amin, sinisiguro naming maayos at naiintindihan ng aming mga customers ang mga reports na aming ibinibigay patungkol sa kanilang mga shipments.

Ang aming team ay nagre-reply din sa mga mensahe, tawag, e-mails, at sinisigurong updated ka sa bawat hakbang na aming ginagawa para mai-process ang shipment ng iyong mga imported goods mula sa China.


May Magandang Reputasyon at Matibay Na Koneksyon

At panghuli’t pinaka importante, alamin mo kung may magandang reputasyon ang isang cargo company at kung may matibay itong koneksyon dahil dito mo matitiyak na isa itong maasahang freight forwarding company. 

Gaya sa nabanggit na rito, maasahan lamang sila kung may malakas silang freight forwarding network. Idagdag na rin dito ang pagtatanong tungkol sa kanilang background mula sa kanilang mga customers at sa ‘yong mga kakilala na kumuha ng kanilang serbisyo.


Key Takeaway

Sa blog na ito, ating pinag-usapan kung paano mo masisigurong maasahan ang isang cargo company. Kung pinaplano mong bumili ng mga produkto mula sa China, ang CargoBoss ay iyong maaasahan bilang iyong logistic partner.

Isa sa mga cargo companies in the Philippines at ang nangunguna, ang aming CargoBoss team ay palaging handa sa pag-aayos ng shipment process hanggang sa mai-deliver ang mga imported goods sa iyong lugar.

Maging isa sa aming mga satisfied customers. Mag-iwan lamang ng mensahe sa CargoBoss at isa sa aming team ang sasagot sa iyong mga katanungan.