Paano Nakakatulong ang International Shipping sa Mga Online Stores?

Paano nakakatulong ang international shipping sa mga online store?

  1. Access sa mga global supplier
  2. Mas mura ang pag-import ng mga produkto galing abroad
  3. Pagtaas ng kita sa negosyo
  4. Mas pinalawak na customer base
  5. Competitive pricing
  6. Pinabilis ang pagpapadala ng mga produkto

Overview

  • Ang international shipping ay nagbibigay sa online stores ng access sa mas murang suppliers, mas stable na kita, at mas competitive na pricing.
  • Sa pag-access sa global suppliers at mas mabilis na logistics, mas lumalakas ang sales opportunities ng mga negosyo.
  • Sa tulong ng CargoBoss, mas napapadali ang proseso ng pagpapadala.

Habang lumalago ang isang online store sa Pilipinas, lumalaki rin ang pangangailangan nitong maghanap ng mas abot-kayang produkto para manatiling competitive. 

Para sa mga negosyante, dapat na bigyang pansin ang advantage na binibigay ng global logistics solutions dahil ito ang magiging kasangga mo sa pagpapalawak ng negosyo. Alamin kung paano nakakatulong ang international shipping sa online stores, na siyang nagiging tulay sa mas mataas na profit margins at sustainable na pag-scale ng negosyo.

Sa blog na ito, pag-uusapan natin kung paano ito nakakamit ng international shipping. At higit sa lahat, tatalakayin nating kung paano nagiging strategic advantage ang pagbili ng mga produkto abroad. 

Access sa Mga Global Suppliers

Access sa mga global suppliers

Ang pagkakaroon ng access sa mga global suppliers ay napakalaking tulong sa mga online sellers. Ito ay posible sa tulong ng international shipping. 

Maaari nang makipag-ugnayan ang mga business owners sa mga suppliers abroad para mag-import ng raw materials o kaya naman ready-to-sell items na may competitive pricing. 

Isa sa mga nangungunang bansa na supplier ng iba’t ibang uri ng produkto ay ang China. Sila ay binansagang manufacturing powerhouse, kaya kapag kailangan mo ng isang supplier, mas marami kang pagpipilian. Dahil dito, magkakaroon ng mas maraming product variations ang iyong online store. 

Mas Murang Pag-import ng Mga Produkto Galing Abroad

Isa sa mga misconceptions ng karamihan pagdating sa importation ay malaki ang kakailanganing capital upang magsimula, lalo na sa mga online sellers. Pero sa panahon ngayon, abot-kaya na ang price points ng mga imported products.

Kagaya ng nabanggit, maraming nag-aangkat ng mga online goods mula sa China. Maliban sa mayroon silang advanced production capabilities, mas mababa rin ang labor costs sa kanila, kaya mabibili mo ang mga produkto sa mas mababang halaga.

Para sa mga SME logistics coordinator, kayang kaya mo nang mag-order ng bulk items sa ibang bansa dahil may maaasahang freight forwading companies ngayon ang nagde-deliver mula China patungong Pilipinas. 

Pagtaas ng Kita sa Negosyo

Ang pagtaas ng kita ay natural na resulta kapag mas marami kang customers at malawak na market ang naaabot ng iyong negosyo. Ito ay isa sa mga benepisyo ng international shipping, na kung saan nagkakaroon ka ng access sa imported goods.

Maliban diyan, maaari ka ring mag-set ng strategic pricing dahil mas mataas ang perceived value ng mga produktong galing sa ibang bansa. Ito ay nagreresulta sa mas magandang profit margin sa negosyo. 

Mas Pinalawak na Customer Base

Mas pinalawak na customer base

Sa tulong ng international shipping, kasama ang trusted na freight forwarder, kagaya ng CargoBoss, kayang kaya na ng mga online stores na makapagbenta ng mas maraming produkto. 

Kapang mayroon kang offerings sa iba’t ibang category, mas lalawak ang iyong customer base. Halimbawa, sa mga negosyong nasa fashion category, maaari  na sila ngayong mag-expand sa ibang niche, gaya ng household essentials.

Competitive Pricing

Ang competitive pricing ay ang kakayahan mong mag-offer ng presyong abot-kaya habang nananatiling profitable. Ito ay dahil mas maraming kang mapagpipilian na suppliers mula sa ibang bansa

Kapag mas mababa ang product cost, kaya mong makipagsabayan sa ibang sellers. Hindi mo na kailangan itaas ang presyo ng sobra para lang kumita. Dahil dito, nakaka-engganyo ka ng mamimili na naghahanap ng best price-to-quality products.

Pinabilis ang Pagpapadala ng Mga Produkto

Kung dati ay inaabot ng maraming buwan bago makarating ang shipment, ngayon ay mas predictable na ang transit time dahil sa mas maayos na logistics networks at improved coordination sa ports. Dahil dito, mas mabilis mong nare-replenish ang inventory at mas naiiwasan ang out-of-stock situations.

May mga forwarders din na nag-offer ng air freight services na mas lalong nagpapabilis ng shipping. Ito ay malaking advantage lalot na sa mga produktong mabilis ma out-of-stock. Bakit? Dahil kapag mas pinabilis ang pagpapadala ng produkto, mas napapaiklin nito ang lead time ng restocking.

Ibig sabihin, mas smooth ang sales cycle ng iyong online store at mas satisfied ang inyong customer. Sa madaling salita, hindi lang nito pinapabilis ang operations—pinapalakas din nito ang overall competitiveness ng iyong online business.

Key Takeaway

Ang international shipping ay nagbibigay ng napakaraming advantages sa mga online store, mula sa pagpapalawak ng customer base hanggang sa pagtaas ng kita. Para sa mga SME logistics coordinators, ito ay isang strategic na pamamaraan upang mas maging matatag ang isang negosyo. 

Kung nais mong pabilisin ang operations, matutulungan ka namin dito sa CargoBoss.  Sa aming hassle-free at transparent na international shipping services, masisigurong smooth and shipment experience mo. Makipag-ugnayan ngayon para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming serbisyo.