Ano-ano ang Mga Serbisyo ng Sea Freight Forwarder sa Pilipinas?
Overview
- Sa artikulong ito, malalaman mo kung paano gumagana ang mga sea freight forwarder at kung bakit standout ang serbisyo ng CargoBoss kumpara sa iba sa Pilipinas.
- Tatalakayin natin ang bawat hakbang ng proseso mula China hanggang Pilipinas—mula warehousing, consolidation, hanggang customs clearance—para siguraduhin ang maayos, abot-kaya, at walang hassle na shipping experience.
Sa panahon ngayon na bukas ang kalakalan sa iba’t ibang parte ng mundo, mahalagang bahagi na ng negosyo ang pagpapadala at pagtanggap ng produkto mula sa ibang bansa. Isa sa pinaka practical at abot-kayang paraan para dito ay ang sea freight shipping, lalo na kung marami at malaki ang iyong mga cargo. Pero bago ka magpadala, mahalagang malaman mo kung ano talaga ang ginagawa ng isang sea freight forwarder.
Sa article na ito, ating pag-uusapan ang mga serbisyo ng sea freight forwarder sa Pilipinas. Makakatulong ito para makapili ka ng tamang ka-partner sa pag-i-import ng mga binili mong produkto mula China.
Mga Serbisyo ng Sea Freight Forwarder

Ang mga sea freight forwarders ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na naka-focus sa pag-aasikaso ng mga cargo mula sa bansa ng supplier patungo sa Pilipinas at gayon din naman mula sa Pilipinas palabas ng bansa.
Sila ang responsable sa pag-aayos ng transportation,documentation process, at ng mga kinakailangang bayaran at permit para makalusot ang shipment sa customs nang maayos.
Maliban dito, importante sila sa pagbibigay ng real-time updates tungkol sa kondisyon ng kargamento, pati na rin ang pagbibigay ng pagpipilian para sa cargo insurance bilang dagdag na seguridad. Sa tulong ng isang maaasahang forwarder, nagiging mas magaan ang pag-i-import, na mahalaga para sa negosyo lalo na sa worldwide market.
Sea Freight Services ng CargoBoss Mula China Patungong Pilipinas
Sa pagne-negosyo ng importation mula China patungong Pilipinas, importante ang may katuwang na maaasahan sa pag-asikaso ng kargamento. Dito pumapasok ang CargoBoss, na nagbibigay ng kumpleto at epektibong serbisyo para sa hassle-free na pagpapadala ng produkto.
All-inclusive Rates
Sa CargoBoss, kami ay naniniwala na mahalaga ang malinaw at transparent na presyo para sa stress-free na shipping experience. Kaya naman, nag-aalok kami ng all-inclusive rates para tiiyak na alam mo agad ang kabuuang gastos ng iyong kargamento.
Ang aming standard rate ay ₱9,250 kada CBM—kasama na rito ang customs taxes & duties, warehouse storage, at documentation payments. Para sa maliliit na packages na 0.20 CBM pababa, mayroon kaming Small Package Rate na nagkakahalaga ng ₱1,850.
Samantala, kung ang iyong shipment naman ay lalagpas sa 410 kg/CBM, ipinapatupad namin ang Overweight Package Rate na ₱22.50 kada kilo. Sa CargoBoss, walang surpresang charges — malinaw, abot-kaya, at laging updated ang rates namin para sa’yo.
Mga Sakop ng Sea Freight Services Mula sa CargoBoss

Sakop ng CargoBoss ang buo mong shipping journey—mula supplier sa China hanggang sa warehouse mo sa Pilipinas. Magpatuloy sa pagbabasa upang alaming kung ano-ano ang mga ito!
Warehousing
Tinitiyak naming ligtas ang iyong mga kargamento habang nasa aming warehouses sa China at Pilipinas. May 24/7 na seguridad at maayos na pasilidad para mapanatiling nasa maayos na estado ang iyong mga produkto. Hindi mo kailangang mag-alala dahil inaalagaan namin ang bawat shipment na para bang ito ay amin.
Consolidation and Port Fees in China
Pinapadali ang proseso ng pagpapadala sa pamamagitan ng maayos na consolidation ng mga kargamento bago ito isampa sa barko. Kasama na rin ang pag-settle ng mga port fees sa China para tuloy-tuloy ang shipment nang walang sagabal. Sa ganitong paraan, nakasisgurong ang mga kliyente ng mas episyenteng serbisyo at mas murang gastos.
Freight Charge
Kargo na rin namin ang bayad sa cargo transportation mula China papuntang Pilipinas. Sinisiguro nitong walang aberya ang biyahe ng mga produkto patungo nang walang dagdag na alalahanin. Isa itong mahalagang bahagi ng serbisyo para sa mas maginhawang shipping journey.
Customs’ Taxes and Duties
Sagot na namin ang lahat ng import taxes at duties para sa iyong shipment.Hindi mo na kailangang mag-abala o mag-alala sa mga bayaring ito—kami na ang bahala para siguradong walang aberya sa pagpasok ng iyong kargamento sa Pilipinas.
Port Fees in the Philippines
Aming tinitiyak na walang surpresa sa bayarin pagdating ng iyong shipment sa Pilipinas. Kasama na sa aming all-inclusive rates ang lahat ng port fees, kaya’t hindi ka magugulat sa karagdagang gastos sa pagdating ng cargo mo.
Use of Company Documents and Import Licenses
Tinutulungan ng CargoBoss ang mga negosyo na magkaroon ng mas mabilis at maayos na proseso sa customs clearance sa pamamagitan ng paggamit ng tamang company documents at import licenses. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang mga pagkaantala at komplikasyon sa pagpasok ng iyong mga produkto sa bansa.
Key Takeaway
Ngayon na naunawaan mo na ang mga serbisyo ng sea freight forwarder ng Pilipinas, ituring itong mahalagang paalala upang makapag-desisyon nang tama kung sinong provider ang pipiliin. Mula sa pagtiyak ng mga dokumento hanggang sa mismong pagpapadala ng mga produckto, and bawat aspeto ay mahalaga.
Para sa mapagkakatiwalaang sea freight forwarder, CargoBoss ang iyong partner sa pagpapadala mula China patungong Pilipinas. Makipag-ugnayan sa amin ngayon at simulan ang iyong magaang shipping experience!