Tips para sa Matagumpay na Pagkakuhanan ng Produkto at Dropshipping mula sa China
Ano-ano ang mga tips para sa matagumpay na dropshipping mula China?
- Piliin nang mabuti ang supplier
- Alamin ang produkto
- Siguraduhin ang inventory at stock levels ng iyong supplier
- Gumamit nang maaasahang fulfillment method
Maraming mga negosyo sa e-commerce ang sumisikat ngayon lalo pa’t nakakakuha sila ng mga produkto sa pamamagitan ng dropshipping, na nagbubukas sa kanila nang oportunidad para mas lumawak ang kani-kanilang kita.
Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga tips para sa matagumpay na dropshipping mula China patungong Pilipinas upang matulungan ka sa iyong negosyo. Ngunit bago ito, bigyang-diin muna natin ang ibig sabihin ng dropshipping.
Ano ang Dropshipping?
Ito ay isang uri ng retail fulfillment method kung saan ang nagtitinda ay hindi kailangang magkaroon ng sariling physical inventory ng mga produkto. Ang negosyante, o ang tinatawag na dropshipper, ay responsable sa pag-promote ng mga produkto, pagtanggap ng mga orders mula sa mga customers, at pagkuha ng payment information. Kapag may order na natanggap, ipina-process ito ng dropshipper sa supplier, at ang huli ang magpapadala ng produkto sa customer.
Ngayon, ating tatalakayin ang mga tips para sa matagumpay na dropshipping. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Piliin nang Mabuti ang Supplier
Mahalaga ang tamang pagpili ng supplier sa China para sa pagda-dropshipping ng mga produkto dahil ito ang nagtatakda ng kalidad ng produkto na iyong ibebenta sa mga customers. Kung ito’y nag-aalok ng maganda at matiibay na mga produkto, mas makukuha mo ang tiwala nila at magkakaroon sila nang magandang karanasan sa pag-oorder ng mga produkto sa ‘yo.
Maliban pa rito, pumili ka rin ng supplier na nag-aalok ng iba’t-ibang produkto upang mas magkaroon ka ng maraming options para sa iyong product offerings online. Sa ganitong paraan, mas makukuha mo ang iba’t-ibang preference ng iyong mga customers.
Alamin ang Produkto
Mahalaga ring alamin ang mga produktong binebenta ng isang supplier dahil dito mo malalaman kung ang mga ito’y in-demand ngayon sa merkado. Maaari mong tanungin kung ang mga produkto nila ay nasa ilalim ng mga sikat na product category o ‘yong palaging hinahanap at binibili ng mga customer para makasigurado kang makakabenta ka nang mas madali at marami, tulad ng fashion and apparels, beauty and skincare, electronics and gadgets, fitness and health, at iba pa.
Upang mangyari ito, kailangan mo ring alamin kung ang iyong target audience ay tatangkilikin ang mga produktong binebenta ng supplier. Timbangin mo kung ang mga ito’y pasok sa interes, pangangailangan, libangan, at investment nila upang hindi ka malugi at makatiyak kang magiging successful ang iyong online store.
Siguraduhin ang Inventory at Stock Levels ng Iyong Supplier
Ang pagsiguro sa tamang inventory at stock levels ng iyong supplier ay dapat mo ring tutukan dahil dito ka makakasiguro kung mabibigyan mo nang maayos na serbisyo ang iyong mga customers.
Sa pagkakaroon ng sapat na stock levels, mas magiging madali para sa iyong makapagbigay ng mga produkto sa tamang oras. Dahil kung mababa ang kanilang stocks, maaari itong magresulta sa mga backorders, kung saan hindi kaagad maipapadala ang mga orders ng iyong customer dahil wala nang available, na magdudulot ng dissatisfaction sa kanila.
Kaya naman ang pagkakaroon nang maayos na inventory management ay nakakatulong para sa efficient na pagpo-promote ng mga produkto online. Ito’y dahil nakakatiyak kang hindi kulang ang kanilang product supplies.
Gumamit nang Maaasahang Fulfillment Method
Ang fulfillment method ay ang direktang pagpapadala ng supplier ng mga orders sa customer. Sa halip na business owner ang mismong mag-aayos ng mga produkto at magpapadala, ito’y ginagawa ng supplier. Narito ang paraan kung paano:
Pag-Order ng Customer
Kapag may customer na nag-order ng produkto sa iyong online store, ikaw ang tatanggap ng order at payment nito.
I-Forward Ito sa Supplier
Matapos tanggapin ang order, ipapasa mo ito sa supplier. Ibibigay mo rin sa kanila ang mga kinakailangang impormasyon, tulad ng produktong gustong bilhin at contact details ng customer.
Ishi-Ship ang Order sa Address ng Customer
Kapag handa na ang order, ang supplier ay magpapadala nito nang direkta sa customer. Ngunit, sa diretsong shipment, mas mababa ang kontrol mo sa proseso nang pagpapadala lalo na sa order tracking. Maaaring magkaroon nang kakulangan sa visibility status ng shipment. Dito pumapasok ang serbisyo ng CargoBoss.
Maaari mong sabihin sa iyong supplier na kami ang kukuha ng mga produkto sa China, itatabi namin sa aming warehouse storage hanggang sa maging maayos ang lahat ng mga papeles at payment. Pagkatapos, ipapadala namin ito papuntang Pilipinas sa mas murang halaga. Makakasiguro kang mas mapapabilis at ligtas din ang pagdating ng shipment sa iyong customer.
Key Takeaway
Ang aming mga tips para sa matagumpay na dropshipping mula China ay makakatulong upang umasenso ang iyong negosyo online. Ang mga ito’y maaaring maging susi upang makapili ka ng tama at maaasahang supplier, magkaroon nang mas malalim na kaalaman sa mga produkto, at makatipid sa tulong ng sea freight forwarder.
Ang CargoBoss ang isa sa mga pinagkakatiwalaang sea freight forwarding company sa Pilipinas. Maaari mo kaming maging ka-partner sa pagshi-ship ng mga produkto mula sa China patungong Pilipinas. Higit pa rito, nag-aalok din kami ng door-to-door delivery, na saktong-sakto para sa dropshipping! Para sa iba pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa amin dito.