Ano Ang Magandang Negosyo sa Halagang 5k?
Ano-ano ang magagandang negosyo sa halagang 5k?
- Online selling o dropshipping
- Street food
- Lugawan
- Baking
- Prepaid load retailer
Overview
- Online selling o dropshipping, street food, lugawan, baking, at prepaid load retailer ay ilan sa mga negosyo na maaaring pasukin sa maliit na puhunan.
- Sa artikulong ito, matututunan mo ang mga detalye at tips para makapili ng negosyong akma sa iyong target market.
- Ang mga nabanggit na negosyo ay magandang oportunidad para kumita gamit ang maliit na kapital.
Marami ang naghahanap ng pagkakataon na magkaroon nang maayos na kita sa halagang limang libong piso. Ngunit, ano-ano nga ba ang magandang negosyo sa halagang 5k? Sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang ilang magagandang negosyo na maaaring simulan gamit ang maliit na halagang ito.
Pagkatapos mong magbasa, magkakaroon ka ng iba’t-ibang ideya at makakapili ka nang angkop na negosyo ayon sa gusto ng iyong target market.
Online Selling o Dropshipping
Isa sa mga pangunahing benepisyo ng online selling at dropshipping ay ang mababang puhunan na kinakailangan. Sa ganitong klaseng negosyo, hindi mo na kailangan ng malaking halaga ng pera upang magsimula dahil ang negosyong ito ay nagbibigay-daan sa pagbebenta ng mga produkto na hindi nangangailangan ng physical inventory.
Sa makatuwid, ang pagse-setup ng online store at pakikipag-ugnayan sa mga supplier na lang ang kailangan mong pagtuunan ng pansin, na nagbibigay sa ‘yo ng pagkakataon na kumita sa maliit na kapital.
Sa paglago ng negosyo online at dropshipping, ang Cargoboss ay nag-aalok ng madaling solusyon para sa mga pangangailangan mo sa logistics. Kami ay may mabilis at maaasahang forwarding services mula sa iyong mga suppliers sa China patungo sa iyong mga customers.
Sa ganitong paraan, kumpiyansa kang ang mga produktong binebenta mo online ay makakarating nang maayos at ligtas sa iyong mga mamimili.
Street Food
Hindi rin mawawala sa mga patok na negosyong may maliit na puhunan ang pagbebenta ng street food. Usong-uso ang mga fishballs, kwek-kwek, kikiam, fries, at marami pang klase ng street food sa gilid ng kalsada. Mapa bata man o matanda, sila’y kumakain nito at nakahiligan na rin itong meryenda ng mga Pilipino.
Sa katunayan, naitala noong 2019, na ang mga street stalls at kiosks ay bumubuo ng 43% ng kabuuang bilang ng mga food service establishments sa Pilipinas. Ito ay katumbas ng mahigit 41.2 libong unit. Natalo nila ang mga restaurants na nag-aalok ng full-service at limited-service na mayroon lamang 20% na kabuuang bahagi ng merkado.
Bilang resulta, ang pagnenegosyo ng street foods ay nagbibigay nang magandang kita sa murang kapital.
Lugawan
Maraming dahilan kung bakit magandang negosyo ang lugawan. Una, ang lugaw ay maituturing na comfort food na madalas kinakain ng mga tao, lalo na tuwing tag-lamig.
Para naman sa mga negosyante, hindi ito mahirap gawin dahil kakailanganin mo lang ng iilang ingredients tulad ng white rice, tubig, karne, itlog, luya, at iilang condiments. Ito’y isang magandang option para sa mga may maliit na budget o puhunan.
Sa pamamagitan nan g pagkuha ng mga sangkap sa mababang presyo na nagpapababa ng iyong overhead costs, ang pagtatayo ng lugawan ay maaaring maging isang rewarding na business.
Baking
Para sa mga mahilig mag-bake sa kanilang tahanan, ang pagsisimula ng isang baking business sa bahay ay isa ring magandang option. Sa una, p’wede mong alukin muna ang iyong mga kaibigan at pamilya na tikman at bilhin ang iyong mga baked goods. P’wede mo ring hingiin ang feedback o recommendations nila upang mas maging epektibo ang iyong pagnenegosyo.
Isa pang paraan ay ang paggamit ng social media. Gumawa ka ng Facebook o Instagram page ng iyong baking business upang i-post ang mga litrato ng iyong baked goods—kung saan naka-indicate rin ang presyo nila.
Prepaid Load Retailer
Kung hanap mo naman ay patok na negosyo na p’wede mong dalhin kahit saan, prepaid loading business ang nararapat para sa'yo. Napakasimple lamang ang mga kailangan para masimulan ang maliit na business na ito tulad ng cellphone at retailer sim card. Tiyak na magiging patok ito dahil mahilig ang mga Pinoy na magpa-load ng unli-data, call, at text, kung kaya’t sigurado kang papatok ang negosyong ito kahit saan ka man pumunta.
Kung ikaw ay may sarili ng tindahan, p’wede mo itong idagdag sa mga serbisyo sa iyong tindahan para sa karagdagang kita.
Key Takeaway
Ating napag-alaman kung ano-ano ang magandang negosyo sa halagang 5k. Nawa’y nakapagbigay kami ng mahahalagang impormasyon sa mga gustong magsimula ng business sa mababang puhunan.
Kasabay nito ay kinakailangan natin ng maaasahang forwarder sa mga produktong ating ginagamit o binebenta sa mabilisang paraan. Ang CargoBoss ay maaasahan pagdating sa pagpapadala ng mga produkto galing China. Upang malaman pa ang iba naming serbisyo, p’wede mo kaming kausapin dito.