Bakit Mahalaga ang Serbisyong Air Freight?

Ano ang mga benepisyo ng air freight services?

  1. Mas mabilis makukuha ang mga shipping items
  2. Maaasahan ang security measures
  3. Abot-kaya ang shipping cost
  4. Maayos ang shipping service

Overview

  • Ang mga air freight forwarders ay nagsisilbing express lanes upang matugunan ang mga pangangailangan sa napakadaling panahon na may kahusayan at mabilis na paraan.
  • Sa pamamagitan ng air freight, nakasisigurong ang mga mahahalagang bagay na ipinadala ay hinahawakan nang maingat at inihahatid nang mabilisan.
  • Ang CargoBoss ay subok na mapagkakatiwalaang kasosyo sa larangan ng logistiks.

Ang air freight ang pangunahing option para sa ligtas, mabilis at maaasahang paghahatid ng mga mahahalagang bagay sa nakatakdang panahon.

Maraming online sellers at mga negosyante ang matutulungan ng ganitong serbisyo sa kadahilanang mapapabilis nitong ihatid ang mga produkto sa maayos at mabilis na paraan. Sa blog na ito, ating alamin kung bakit mahalaga ang serbisyong air freight. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Mas Mabilis Makukuha ang mga Shipping Items

Isa sa pinakamalaking lamang ng air freight ay ang bilis ng shipping service kung saan kaya nitong ibigay ang same-day delivery, ngunit nakadepende pa rin ito sa lapit o layo ng mga items na ipapadala. Kaya’t hindi maitatanggi na isa ito sa mga tinatangkilik ng mga online sellers na bumibili ng mga items sa ibang bansa tulad ng China.

Sa pilipinas, marami na ang natulungan ng ganitong serbisyo lalo na ang pagpapadala ng mga produkto na kailangang ipadala sa lalong madaling panahon. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga kagamitang nabubulok o ‘di kaya’y malapit nang mag-expire.

Maaasahan ang Security Measures

Maaasahan ang Security Measures

Seguridad ang una nating kinikilatis pagdating sa ganitong mga serbisyo dahil sa kanila nakasalalay ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga gamit. Sa air freight services, nakakatiyak kang maayos ang seguridad ng iyong mga kagamitan sa anumang oras. Mula sa pagpapadala ng mga ito hanggang sa pagdating sa destinasyon, ang kalidad ay walang pagbabago.

Masinsinan ding iniinspeksyon ang mga items upang masigurong wala silang sira o pinsala. Dahil dito, marami ang nagtitiwala sa air freight forwarding dahil sigurado silang nasa maayos na kalagayan ang kanilang shipment—papasok o palabas man ng bansa.

Abot-Kaya ang Shipping Cost

Ang serbisyong ito ay nagbibigay din ng murang insurance premiums kumpara sa mga shipments na pinapadala sa pamamagitan ng sea freight. Kung kaya’t ito’y tinatangkilik na rin ng marami dahil mas mura, mas mabilis, at talaga namang maaasahan ang ganitong uri nang pagpapadala.

Maayos ang Shipping Service

Maayos ang Shipping Service

Dahil mas magaan ang mga kargamentong dinadala sa ganitong serbisyo, mas mabusisi ang pagsusuri sa kaayusan ng mga ito. Magiging matiwasay din ang paghihintay dahil sa tracking system na mayroon ang mga air freight services.

Makakasiguro kang mata-track nang mabilis at makakatanggap ka nang agarang update sa iyong pinapadala. Ito ay may malaking tulong para maiwasan ang anumang komplikasyon kagaya ng delay o anumang isyu na mararanasan sa panahon nang pagpapadala.

Piliin ang CargoBoss bilang Iyong Air Freight Forwarder

Dahil sa paglaki ng logistiks market ngayon sa Pilipinas, hindi maiiwasan na marami nang pagpipilian na freight forwarder ang mga Pilipinong may negosyo online. Ngunit may iba’t-ibang katangian na mayroon ang mga ito mula sa serbisyo at customer services, pati na rin sa shipping rates.

Ang CargoBoss ay kilala ng maraming Pilipino lalo na ng mga online sellers hindi lamang sa maayos at mapagkakatiwalaan naming mga serbisyo ngunit pati na rin sa maraming taon ng aming karanasan sa industriya.

Ang mga sumusunod ay ang iba pang rason bakit CargoBoss ang iyong dapat na piliin bilang air freight forwarder:

  • Nagbibigay nang maaasahang air freight forwarding services
  • May malawak na network sa mga agents at carriers
  • May maaasahan, mapagkakatiwalaan, at magagaling na staff
  • Nagbibigay ng abot-kayang shipping rates

Ilan lamang ang mga ito sa mga kalamangan ng CargoBoss sa ibang air freight service companies sa bansa kaya mas mabuting maging magaling sa pagpili ng mapagkakatiwalaan sa mga mahahalagang gamit na ipapadala.

Key Takeaway

Sa pamamahala ng online businesses, mahalaga ang mabilis at ligtas na transportasyon. Dahil ang mga negosyo ay nagsusumikap para sa maagang paghahatid at walang abala, air freight ang kasagutan para sa kumpetitibong kalamangan.

Ang mga air freight services ng Pilipinas ay kumikilos sa pamamagitan nang maingat na proseso upang tiyakin ang mabisang transportasyon sa pamamagitan ng eroplano. Ang pangangailangan para sa mabilis at ligtas na paghahatid ay napakalaking isyu, at dito sila pumapasok upang maging magaan ang iyong pagpapadala.

Ang CargoBoss ang pangunahing air freight forwarder sa Pilipinas na pinagkakatiwalaan dahil sa mabisa at maaasahang air feight services. Alamin ang aming walang kapantay na serbisyo sa pamamagitan nang pagbisita sa aming website o pag-iwan ng mensahe sa amin dito.