Mga Benepisyo ng Pakikipag-Partner sa CargoBoss Para sa Iyong Mga Shipping Goods

Anu-ano ang mga benepisyo ng pakikipag-partner sa CargoBoss?

  1. Sapat na karanasan at pananagutan
  2. Sumusunod sa tamang proseso ng international shipping
  3. Gumagamit ng cargo tracking technology
  4. Nagbibigay ng mas mababang shipping rates
  5. Mas mabilis na proseso ng mga legal na dokumento
  6. Mayroong door-to-door delivery


Alam mo ba’ng mahigit 90% ng trade sa Pilipinas ay nangyayari sa gitna ng dagat? Kaya naman ang shipping sector sa ating bansa ay kabilang sa mga sektor na nagpapalakas ng ating ekonomiya. Dahil dito, hindi nakapagtataka kung maraming eCommerce retailers at online sellers sa Pilipinas ang gumagamit ng sea freight forwarding services upang makabili sila ng mga imported products sa China.

Sa ganitong paraan, nakakatulong ang sea freight forwarding companies na lumago ang ating ekonomiya pati na rin ang negosyo ng mga Pilipino. Kaya naman, narito ang mga benepisyo ng pakikipag-partner sa CargoBoss na makakatulong para sa iyong pagnenegosyo o simpleng pagbili ng mga items mula sa China.

Sapat na Karanasan at Pananagutan

Unang-una, hindi madali ang pagtransport ng mga shipping goods sa mga destinasyong patutunguhan nito, lalo na kung ito’y nanggaling sa ibang bansa at ipapasok sa Pilipinas. Ito’y dahil na rin sa layo nang lalakbayin ng pagta-transport, kung kaya’t hindi maiiwasan na baka magkaroon ng problema sa kalagitnaan nito.

Dahil dito, importanteng makipag-ugnayan sa isang sea freight forwarder na may sapat na karanasan at pananagutan sa mga ganitong bagay. Narito ang halimbawa:

Kung ikaw ay direktang gagawa ng shipping arrangement sa supplier ng mga produktong iyong binili, paano ka makakasigurong mamo-monitor nila ito nang maayos at mabibigyan ka ng impormasyon gayong marami rin silang inaasikasong mga customers na bumibili sa kanila?

Kaya naman mas mainam kung makikipag-partner ka sa amin, kung saan makakasiguro kang nasa maayos na kondisyon ang mga binili mong imported products mula sa China.

Gaya ng nabanggit namin sa ibang blog posts, mayroon kaming FCL at LCL shipment services. Ang mga ito’y makakatulong upang maipadala ang iyong mga shipping goods nang walang problema.

Sumusunod sa Tamang Proseso ng International Shipping

Sumusunod sa Tamang Proseso ng International Shipping

Kung may isang bagay man na hindi maikakaila nang marami, ito’y ang katotohanan na isang kumplikadong proseso ang international shipping. Ito’y dahil sa mga legal documents at regulations na kailangang sundin upang makasigurong magiging maayos ang pagta-transport ng mga shipping goods mula China.

Ang anumang pagkakamali sa mga documents ay maaring magresulta sa dagdag na gastos o multa. Sa ganitong sitwasyon, makakabuting makipag-partner sa amin upang hindi mo na kailangan pang alamin ang lahat ng mga regulations dahil kami na ang bahala rito, pati na rin sa pagtulong sa ‘yong asikasuhin ang mga legal documents na kinakailangan.

Sa ganitong paraan, makakatipid ka sa oras at pera at makikita mo rin dito kung gaano kahalaga ang tulong ng isang sea freight forwarder.

Gumagamit ng Cargo Tracking Technology

Ang mga taong nagpapadala ng kani-kanilang mga shipment ay madalas na may tatlong katanungan:

  • Nasaan na ang aking shipping goods?
  • Gaano katagal bago ko ito makukuha?
  • Magkano ang magiging gastos nito?

Ang mga katanungang ito’y nasasagot namin dahil mayroon kaming cargo tracking technology. Nakakatulong ito upang masubaybayan namin ang progress ng iyong shipment, ma-estimate ang araw kung kailan ito makukuha, at kung ano ang magiging presyo nito base sa bigat ng shipment.

Sa ganitong paraan, nakakatiyak kang maayos ang serbisyong ibinibigay namin sa ‘yo.

Nagbibigay ng Mas Mababang Shipping Rates

Dahil sa nabanggit naming LCL at FCL services ng isang sea freight forwarder, maari kang makatipid dito kumpara sa pakikipag-partner sa iyong Chinese supplier kung saan mapapagastos ka lamang.

Kami’y tumatanggap ng anumang uri ng produkto maliban sa baril, droga, mga replika, at iba pang ilegal na produkto. Makakaasa ka sa aming napakamurang shipping rates na P9,500/CBM. Kasama na rito ang custom taxes at duties, warehouse storage fees, at documentation fees.

Mas Mabilis na Proseso ng mga Legal na Dokumento

Mabilis ang pag-proseso namin ng mga legal documents. Dahil dito, maiiwasan ang anumang antala ng iyong shipment at makakaiwas ka rin sa anumang gastos kung sakaling hindi pa pala kumpleto ang iyong mga dokumento.

Sinisiguro ng aming team na kumpleto ang mga legal documents ng aming mga kliyente dahil alam namin na ang pagkakaroon ng kahit isang kulang na dokumento ay magiging rason upang hindi maituloy ang pag-shipment ng mga items nila mula China patungong Pilipinas. Nagbibigay din kami ng payo at kaalaman kung may katanungan ang aming mga kliyente tungkol sa kahalagahan ng bawat dokumento.

Mayroong Door-to-Door Delivery

Mayroong Door-to-Door Delivery

Ang CargoBoss ay nag-aalok ng madaling proseso ng shipment mula sa China patungong Pilipinas, kasama na rito ang aming serbisyong door-to-door na para sa mga kargamentong may laki na higit sa 3CBM (Nasa loob ng 29 KM mula sa aming Malabon Warehouse) mula China patungong Pilipinas!

Nandito kami upang tulungan kang magkaroon ng maginhawang karanasan sa pagpapadala ng walang abala.

Key Takeaway

Maraming benepisyo sa pakikipag-partner sa CargoBoss, tulad na lamang ng aming mga nabanggit dito. Sa tulong namin, magiging hassle-free ang shipment ng iyong mga imported products.

Kaya naman kung gusto mong makasiguro sa maayos, ligtas, at maasahang shipping mula China papuntang Pilipinas, dito ka na sa subok na—CargoBoss!

Para sa iba pang impormasyon, mag-iwan lamang ng mensahe sa amin dito.