Epekto ng Global Crisis sa International Shipping ng Pilipinas

Ano ang epekto ng global crisis sa international shipping ng Pilipinas?

  1. Pagtaas ng shipping rates
  2. Pagkaantala ng mga byahe
  3. Kakulangan sa imported goods
  4. Pagtaas ng presyo ng bilihin
  5. Limitadong shipping schedule
  6. Pagkalugi ng maliliit na negosyo

Overview

  • Ang mga pandaigdigang krisis ay malaki ang epekto sa international shipping sa Pilipinas, na nagdudulot ng pagkaantala, pagtaas ng gastos, at kakulangan sa mga imported na produkto na nagpapahirap sa mga negosyo at mamimili. 
  • Dahil dito, tumataas ang presyo at nagiging mahirap ang operasyon lalo na sa maliliit na negosyo. 
  • Sa ganitong sitwasyon, tumutulong ang CargoBoss bilang maaasahang freight forwarder upang mapadali at mapabilis ang proseso ng pagpapadala ng kargamento.

Mula sa pandemya, tensyon sa pagitan ng mga bansa, hanggang sa pabago-bagong kondisyon ng ekonomiya, ang kalakalan sa buong mundo ay lubos na naapektuhan tuwing may nagaganap na global crisis. Sa mga ganitong sitwasyon, ang pagpapadala ay isa sa mga sektor na direktang nararamdaman ang epekto. 

Sa artikulo na ito, alamin natin ang epekto ng global crisis sa international shipping ng Pilipinas, pati na rin kung paano makakatulong ang maaasahang freight forwarder tulad ng CargoBoss sa ganitong panahon.

Ang CargoBoss ay handang tumulong para gawing mas magaan at mas abot-kaya ang pag-aangkat mo ng kargamento mula China papunta sa Pilipinas. Alamin kung bakit mahalaga ang tamang freight forwarder tulas namin sa panahong may global crisis.

Pagtaas ng Shipping Rates

Pagtaas ng shipping rates

Dahil sa limitadong galaw ng mga barko at mataas na demand para sa limitadong cargo space, tumataas ang presyo ng bawat shipping. Mas nagiging mahal ang pag-import ng mga produkto mula sa ibang bansa patungong Pilipinas.

Bukod dito, apektado rin ang operational costs ng mga shipping companies tulad ng fuel surcharge, port fees, at insurance rates na madalas sumasabay sa pagtaas. Ang pagmahal ng shipping rates ay nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng imported goods sa merkado. Dahil dito, nahihirapan ang mga negosyo sa Pilipinas na mapanatili ang murang presyo para sa kanilang mga produkto.

Pagkaantala ng Mga Byahe

Dahil sa mga isyu sa port congestion, labor shortage, at logistical restrictions, humahaba ang oras ng paghihintay bago makadaong o makaalis ang mga barko. Nakaiimpluwensya ito sa kabuuang delivery schedule ng mga negosyo sa Pilipinas.

Ang mga pagkaantala sa byahe ay nagdudulot din ng domino effect sa supply chain. Kapag naantala ang isang shipment, nade-delay din ang pagdating ng iba pang kargamento na umaasa sa parehong ruta o supplier. Sa huli, ang mga negosyo at mamimili ang nagdurusa dahil sa mas matagal na pagdating ng mga inaasahang produkto.

Kakulangan sa Imported Goods

Kapag nahihirapan ang mga suppliers na magpadala ng produkto dahil sa delay at mataas na gastos, bumababa ang supply ng essential items sa Pilipinas. Nagiging limitado ang pagpipilian ng mga negosyo at mamimili.

Ang kakulangan ng imported goods ay ramdam sa iba’t ibang industriya gaya ng pagkain, electronics, gamot, at personal care. Kapag mas kaunti ang dumarating na produkto, tumataas ang demand at nagkakaroon ng competition sa natitirang stock. Sa ganitong sitwasyon, naapektuhan ang presyo at availability ng mga produkto sa merkado.

Pagtaas ng Presyo ng Bilihin

Pagtaas ng presyo ng bilihin

Kapag mahirap ang pagpasok ng produkto mula sa ibang bansa at limitado ang supply, natural na tumataas ang halaga ng mga ito sa merkado. Ramdam ito ng mga ordinaryong mamimili sa araw-araw na gastusin.

Ang pagtaas ng presyo ay hindi lang restricted sa imported goods, kundi pati na rin sa lokal na produkto na apektado ng supply chain concerns. Halimbawa, kapag tumaas ang presyo ng imported na sangkap o materyales, sumasabay din ang presyo ng lokal na produkto na gumagamit nito. Nagdudulot ito ng dagdag na pasanin sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Limitadong Shipping Schedule

Nagiging limitado ang schedule ng mga barko, kaya’t humahaba ang hintayan ng mga kargamento sa mga pantalan. Minsan, inaabot ng ilang linggo bago makahanap ng available na schedule para sa pagbiyahe ng goods.

Ang restricted shipping schedule ay nagdudulot ng pagkaantala sa pagdating ng mga importanteng produkto, lalo na sa mga negosyong umaasa sa imported goods. Bukod dito, pinipilit ng ibang kumpanya na sumabay sa mga available na biyahe, kahit mas mataas ang singil, para lang mapanatili ang kanilang supply. Nagiging dahilan ito ng dagdag na gastos at abala sa logistics operations ng maraming negosyo sa bansa.

Pagkalugi ng Maliliit na Negosyo

Dahil sa mataas na shipping rates at pagkaantala ng mga kargamento, nahihirapan silang makasabay sa presyo at demand ng merkado. Marami ang napipilitang bawasan ang kanilang produkto o pansamantalang magsara dahil sa pagkalugi.

Bukod dito, ang limitadong supply ng imported goods ay nagdudulot ng kakulangan sa kanilang paninda, lalo na kung imported ang pangunahing produkto nila. Dahil dito, nawawalan sila ng kita habang lumalaki ang gastos sa operasyon. Ang epekto nito ay hindi lamang sa negosyo, kundi pati na rin sa mga empleyado at pamilyang umaasa sa kabuhayan ng mga ito.

Key Takeaway

Pagdating sa kalakalan o pagpapadala ng mga kargamento, ang epekto ng global crisis sa international shipping sa Pilipinas ay nagdudulot ng domino effect ng mga konektadong pangyayari. Mula sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin hanggang sa  presyo ng pamasahe sa iba’t ibang uri ng transportasyon, lahat ay naka-angkla sa bawat sitwasyon.

Kung naghahanap ka ng maaasahan at abot-kayang partner sa pag-import ng produkto mula China patungong Pilipinas, nandito ang CargoBoss para sa ‘yo! Kami ang katuwang ng maraming negosyo pagdating sa hassle-free, mabilis, at ligtas na shipping services. Makipag-ugnayan na sa amin ngayon at simulan ang mas magaan na international shipping experience!