Ano ang mga Impormasyong Makukuha Mo sa International Shipment Tracking

Overview

  • Ang international shipment tracking ay nagbibigay ng real-time updates tungkol sa lokasyon at galaw ng cargo mula pickup hanggang delivery.
  • Nakakatulong ito sa inventory planning, customer updates, customs coordination, at mas mabilis na pag-aksyon kapag may delay.
  • Sa tulong ng Cargoboss, mas madaling ma-monitor ang shipments mula China papuntang Pilipinas, via sea o air man.

Sa international shipping, mahalagang alam mo kung nasaan na ang cargo at ano na ang status nito habang nasa biyahe. Nakakatulong ang tracking para mas madali mong ma-plan ang inventory, delivery expectations, at coordination sa customers.

Kaya mahalagang maintindihan ang impormasyong makukuha sa international shipment tracking. Sa ganitong paraan, mas malinaw kung gumagalaw na ba ang shipment, nasa customs na ba ito, o malapit na sa delivery.

Sa tulong ng CargoBoss, mas madaling ma-monitor ang shipments mula China papuntang Pilipinas, via sea o air man. Sa blog na ito, pag-uusapan natin ang mga tracking details na makakatulong sa mas maayos na shipping experience.

Location at Movement ng Package

Warehouse staff using a tablet to track boxed shipments on storage racks

Isa sa pinakamahalagang benepisyo ng international shipment tracking ay ang visibility sa location at movement ng cargo. Bukod sa pagbibigay ng status updates, maari rin itong magamit para matantsa kung kailan papasok ang stocks, kailan dapat maghanda ang warehouse, at kailan pwedeng magbigay ng update sa customers.

Origin Scan at Picked Up

Ang unang update na tipikal makikita sa tracking system ay ang Origin Scan o Picked Up status. Makikita rito na natanggap na ng carrier o freight provider ang shipment mula sa sender at opisyal nang nag-start ang shipping process. Ito ay signal na naipasok na sa logistics network ang cargo at prepared na itong sumailalim sa susunod na procedures.

In Transit

Sa status na In Transit, ibig-sabihin nito ay nasa proseso na ng paglipat ang shipment mula sa isang facility patungo sa next destination. Para sa mga import at export traders, ito ay nagsisilbing resibo na gumagalaw ang kanilang cargo. Makakatulong ito sa inventory replenishment at customer commitments.

Arrived at Destination Country

Kapag nakita ang status na Arrived at Destination Country, ang ibig-sabihin ay nakarating na ang shipment sa destinasyon. Sa puntong ito, malapit nang sumailalim ang kargamento sa customs processing. Importante ang update na ito upang malaman kung kailan pwedeng ma-release at ihatid ang padala.

Customs Updates

Isa sa mga bahagi ng shipment tracking na madalas bantayan ng businesses ay ang customs status. Dito kadalasang nagkakaroon ng delays kung may kulang sa documents o kailangan ng additional inspection.

Customs Clearance Processing

Ang status na ito ay nagpe-present na kasalukuyang sinusuri ng customs authorities ang shipment at mga kailangang documents. Sa yugtong ito, dapat nakahanda na ang lahat ng required papers upang maiwasan ang delays sa release ng kargamento.

Held in Customs

Kapag ang status ng cargo ay Held in Customs, pansamantalang hindi nai-release ang shipment. Maaaring dulot ito ng kakulangan sa papeles, hindi tugmang detalye, o panibagong pagsusuri. Sa pamamagitan ng update na ito, mayroon kang pagkakataon upang ma-address ang problema, inaasahan man o hindi.

Customs Cleared

Ang Customs Cleared shipment ay nangangahulugang natapos na ang customs check at pinayagan na itong mag-proceed sa susunod na stage ng delivery. Para sa mga entrepreneur, ito ang isa sa mga pinakamahalagang milestones dahil malapit nang dumating ang mga produkto sa paroroonan nito.

Delivery Statuses

Person writing shipment details on a package while checking parcel records at a work table

Bukod sa location at customs information, crucial na bahagi rin ng tracking system ang delivery updates. Ito ay nagbibigay-kaalaman kung gaano na kalapit ang shipment sa consignee.

Out for Delivery

Ang status na Out for Delivery ay nangangahulugang naipasa na ang shipment sa local delivery team at kasalukuyan nang papunta sa final destination. Karaniwang ito ang huling update bago tuluyang matanggap ng consignee ang package.

Delivered

Kapag nakalagay na ang status na Delivered, ang ibig sabihin ay successful na naihatid ang shipping sa recipient o receiver. Ito ay mahalagang confirmation sa businesses bilang patunay na natapos na ang buong shipping process.

Exception at Delay

May mga pagkakataong lumalabas ang status na Exception o Delay. Ito ay dahil unexpected occurrences tulad ng masamang panahon, port congestion, customs issues, o unsuccessful delivery attempt. Sa pamamagitan ng tracking system, mas mabilis na malalaman ang status at nakagagawa ng immediate contingency plans.

Sa CargoBoss, freight forwarder sa Pilipinas, mahalaga ang pagiging transparent at maagap pagdating sa pag-monitor ng mga shipment. Sa pamamagitan ng aming maaasahang tracking system, mas madali para sa mga kliyente na makita ang present status ng cargo at makatanggap ng updates habang nasa biyahe ito. Bukod dito, aktibo rin kaming nakikipag-coordinate sa logistics partners upang mapanatili ang maayos na flow ng shipment at masigurong makararating ito sa itinakdang timeframe.

Iba Pang Shipping Details

Hindi lamang status updates ang makikita sa minitoring solutions. Marami ring additional details na nakatutulong sa precise shipment management.

  • Carrier Details: Ipinapakita rito kung aling shipping line, airline, o logistics provider ang may hawak ng shipment.
  • Weight and Dimensions: Makikita rin sa tracking records ang timbang at sukat ng kargamento na makakatulong sa freight costing, space planning, at verification ng shipment details.
  • Taxes and Duties: Ito ay mga detalye tungkol sa customs duties, taxes, at iba pang charges na kailangang bayaran ng importer bago i-release ang shipment.

Key Takeaway

Ang pag-unawa sa impormasyong makukuha sa international shipment tracking ay mahalaga para mas madaling ma-monitor ang cargo mula pickup hanggang delivery. Sa pamamagitan ng location updates, customs status, delivery updates, at shipping details, mas nagiging malinaw ang galaw ng shipment.

Para sa mas maayos na international shipping experience, maaasahan ang CargoBoss sa tracking support, shipment coordination, at air o sea freight services mula China papuntang Pilipinas. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang malaman kung paano namin mapapadala ang iyong cargo nang walang hassle.