Mga Dapat Tandaan Bago Magtayo ng Online Selling Business
Ano-ano ang mga dapat mong tandaan bago magtayo ng online selling business?
- Maglaan ng oras para sa pag-research ng business na iyong binabalak
- Magbenta ng mga produktong alam at naiintindihan mo
- Alamin ang iyong target audience
- Gumamit ng tamang social media platforms
- Humanap nang maaasahang supplier at logistic service
Bago pa nauso ang digital o online selling, iilan lamang ang may kakayahang mag-ipon ng mga resources na kinakailangan upang makapagsimula ng sariling negosyo, tulad ng puhunan, pondo, at supplier ng mga produktong ibebenta.
Ngunit, hindi na ganito ang kalakaran ngayon dahil sa online selling. Sa maliit na halaga lamang ay maaari ka nang makapagsimula ng negosyo online. Kaya naman ang demand para sa e-commerce at online business ay lumalago ngayon.
Sa blog post na ito, ating pag-uusapan ang mga dapat tandaan bago magtayo ng online selling business. Sa ganitong paraan ay mas magkakaroon ka ng tiyansang maging isang successful na online business owner.
Maglaan ng Oras para sa Pag-Research ng Business na Iyong Binabalak
Importanteng maglaan ng tamang oras sa pagre-research tungkol sa iyong market, mga competitors, at mga potensyal na customers. Makakatulong ito sa ‘yo upang magkaroon ka ng ideya kung ano-anong produkto ang dapat mong ibenta, paano sila pepresyuhan, at paano ilagay ang iyong brand sa tamang posisyon online.
Kung kaya, p’wede ka ring gumawa ng mga surveys, individuals o group interviews online, at kolektahin ang mga data. Ang mga impormasyong iyong makukuha ay makakatulong upang makapag-plano ka para sa iyong online business.
Maliban pa rito, p’wede ka ring gumamit ng Google Trends—isang libreng tool na makakatulong sa ‘yo upang ma-analyze ang mga produktong trending at tinatangkilik ng mga customers nang pangmatagalan. Sa tulong nito, malalaman mo ang mga produktong pasok sa panlasa ng target customers mo.
Magbenta ng mga Produktong Alam at Naiintindihan Mo
Noong third quarter ng 2022, naitala na 61% na mga Pilipino ang bumibili ng mga produkto online, habang ang iba naman ay umo-order sa mga grocery stores. Ibig sabihin, mahigpit ang kumpetensiya sa online business ngayon. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na kailangan mong umatras.
Sa katunayan, magiging madali para sa ‘yo ang pagtatayo ng online business kung may ideya ka sa mga produktong balak mong ibenta online. Siguraduhin mong naiintindihan mo ang purpose o mga benefits ng mga produkto sa iyong mga customers.
Kung wala kang ideya, ‘wag kang mag-alala. Mag-research ka online ng mga in-demand na produktong tinatangkilik ngayon ng mga Pilipino.
Narito ang mga mabentang produkto na binibili ng maraming Pilipino:
- Smartphones sa halagang 5k pababa
- Tablet o mobile phone accessories
- Home office electronics
- Shoes and sandals
- Women’s dresses at fashion accessories
- Automobile care products
- Men’s oversize wear
- Baby clothing
- Coffee equipment
- Pet accessories
Alamin ang Iyong Target Audience
Isa pa sa mga dapat mong gawin ay pag-aralan ang iyong target audience. Magiging daan ito upang magkaroon ka ng ideya o strategy kung paano magbenta online. Halimbawa, kung ang target mo ay Gen Z customers, mas maganda kung magiging creative ka sa iyong mga pino-post dahil makukua mo ang kanilang atensiyon. Ngunit maliban dito, importante rin na mag-iingat ka sa content ng iyong mga pino-posts patungkol sa iyong mga produkto.
Higit pa rito, ang pagkilala sa iyong target audience ay makakatulong sa ‘yo upang magkaroon ng epektibong marketing strategy at makipag-ugnayan sa iyong mga customers.
Gumamit ng Tamang Social Media Platforms
May iba't ibang pagpipilian para sa pagbebenta online, mula sa Facebook, Instagram, hanggang sa TikTok. Halimbawa, kung nais mong magkaroon ng live selling ng isa o dalawang beses kada linggo, p’wede mo itong gawin sa Facebook o TikTok. Ang mga platforms na ito ay mainam gamitin upang makapagbenta ng live.
Kung nais mo namang magkaroon ng creative product listings online, maaari mo itong gawin sa Instagram. Gumawa ka lamang ng account para sa iyong online business at i-post doon ang mga litrato nang binebenta mong mga produkto. Gumamit ng mga high-quality na larawan na nagpapakita ng iyong mga produkto upang maging madali para sa iyong mga customers na makita kung ano ang aasahan nila sa iyong mga ibinebenta.
Kapag naging established na ang iyong business online, maaari ka nang gumawa ng sariling website. Siguraduhin mo lamang na bibili ka ng sarili mong domain (kung kaya na ng iyong bulsa) upang mas magkaroon ng identity ang iyong business online.
Humanap nang Maaasahang Supplier at Logistic Service
Maraming online business owners ang bumibili ng maramihang produkto sa China dahil mura lamang ang mga produkto roon at maganda ang kalidad nang pagkakagawa. Isa sa mga online applications na ginagamit nila upang bumili ay ang Alibaba. Isa itong Chinese e-commerce app kung saan lahat ng klaseng (legal) produkto ay maaari mong i-add to cart at i-check out.
Sa online selling, importante ang bulk buying dahil mas makakatipid ka rito kaya mainam na magkaroon ka ng supplier lalo na kung balak mo ring bumili ng mga murang produkto sa China. At, kung naghahanap ka ng logistic service, ang CargoBoss ay kayang-kaya kang tulungan!
Kami ay may malawak na freight forwarding services sa murang halaga. Maliban pa rito, mayroon din kaming maaasahang customer service na ia-update ka 24/7 tungkol sa status ng iyong cargo shipment. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang aming shipping services at rates.
Key Takeaway
Ating napag-usapan ang mga dapat mong tandaan bago magtayo ng online selling business. Ang mga ito’y dapat mong sundin upang makasiguro kang magiging maayos at matagumpay ang iyong pagne-negosyo.
Kung nais mong bumili ng mga produkto sa China, maaari ka naming tulungan! Mula sa mga papeles ng shipping hanggang sa door-to-door delivery ng mga Chinese products, ang CargoBoss team ang bahala rito.
Para sa iba pang impormasyon o katanungan, mag-iwan ng mensahe rito.