Ano ang Mga Sea Freight Forwarding Regulations na Kailangan Mong Sundin
Overview
- Ang maayos na sea freight forwarding ay nakasalalay sa tamang pagsunod sa lokal at internasyonal na regulasyon.
- Tinalakay sa artikulong ito ang mahahalagang batas, dokumentasyon, at compliance areas na kailangang bantayan ng SMEs at logistics coordinators.
- Sa Cargoboss, asahan mong may isang mapagkakatiwalaang freight forwarder na gagabay sayo sa shipment processes.
Sa likod ng bawat matagumpay na sea freight shipment ay hindi lang maayos na logistics—kundi mahigpit na pagsunod sa mga regulasyon. Ang proseso ng pagpapadala ay nakasalalay sa kung gaano napapanindigan ng dalawang partido ang kanilang tungkulin.
Para sa mga freight forwarders, ang mabilis na logistics at maayos na customer service—at sa mga sellers, ang pag-intindi sa mga sea freight forwarding regulations na kailangang sundin.
Ang role ng SME logistics coordinator dito ay napakahalaga lalo na sa pagpapanatili ng maayos, predictable, compliant, at efficient na operations.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga pangunahing regulasyon na kailangang sundin sa sea freight forwarding upang matiyak na ligtas, legal, at tuloy-tuloy ang takbo ng isang shipment.
Mga Pangunahing Regulations at Compliance Areas

Sa proseso ng sea freight shipping , mayroong iba’t ibang local at international regulations na sinusunod. Ang mga patakarang ito ay naaayon para maging compliant sa global trade systems. Para sa mga negosyo, dapat na alamin ang mga sumusunod dahil ito ay magsisilbing pundasyon ng isang maaasahang supply chain management.
International Maritime Law
Ang international maritime law ang nagtatakda ng mga panuntunan sa paggalaw ng mga barko, cargo handling, at pananagutan ng mga shipping parties. Kabilang dito ang mga conventions tulad ng SOLAS (Safety of Life at Sea), na layong tiyakin ang kaligtasan ng mga shipment.
Pagsunod sa Dangerous Goods Code
Kung ang mga cargo containers ay naglalaman ng mga hazardous o regulated items, nararapat na sumailalim ito sa naaayong regulatory check at pumasa sa International Maritime Dangerous Goods (IMDG) Code. Saklaw ng regulasyong ito ang tamang packaging, labeloing, at documentation ng mga produkto.
Pag-comply sa Customs at Trade Practices
Ang bawat bansang pinanggagalingan at pinapasukan ng mga cargo shipments ay may kanya kanyang sariling customs regulations at trade policies.
Halimbawa, sa Pilipinas, pinapangunahan ng Bureau of Customs ang mga pagproseso ng valuation, tariff classifications, at tax duties. Ang paglabag sa anumang noncompliant actions ay nagreresulta sa customs hold at penalties.
Bilang resulta, maaantala ang delivery ng mga goods. Kaya naman, para sa mga logistics coordinator, ang pag-comply sa custom at trade practices ang siyang susi sa mas mabilisang pagpapadala.
Paghahanda ng Kumpletong Dokumento
Isa sa mga importanteng tungkulin ng mga shipping coordinators ay ang paghahanda ng mga pertinent documents na kakailanganin sa sea freight forwarding.
Kabilang na riyan ang Bill of Lading (BOL), commercial invoice, packing list, at mga regulatory permits. Ang mga ito ang unang sinusuri, at bilang resulta, hindi gagalaw ang mga cargo hangga’t hindi nakakapasa sa clearance ang documentation.
Mga Responsibilidad ng Isang Logistics Coordinator sa Proseso ng Sea Freight Forwarding

Ang logistics coordinator ang nagsisilbing sentro ng komunikasyon at kontrol sa buong shipment process. Ang kanilang kakayahan na mag-manage ng compliance, schedule, at coordination ay may malaking epekto sa overall efficiency ng isang negosyo.
Pag-coordinate ng Schedule para sa Shipments
Responsibilidad ng logistics coordinator na tiyaking naka-align ang production timelines, pickup schedules, at vessel departures ng mga produkto. Ang kanilang kakayahan na mapanatiling maayos ang scheduling ay makakaiwas sa missed sailing at costly rollovers.
Pakikipag-usap sa Mga Stakeholders
Mahalaga na malinaw ang Service Level Agreement (SLA) ng freight forwarders, custom brokers, at sellers sa aspeto ng international shipping. Ito ay maaaring makamit kapag mayroong maaayos na linya ng komunikasyon ang isa’t isa para mapag-usapan kaagad ang mga updates at contingency plans sa oras na mayroong pagbabago sa galaw ng shipment.
Paggamit ng Tracking at Monitoring Softwares
Ang paggamit ng tracking systems ay nagbibigay ng real-time visibility sa isang shipment status. Ito ay mahalagang tool na maaaring gamitin ng mga coordinator para makapagbigay ng accurate updates na mahalaga sa pagpaplano ng ng daloy ng pagpapadala.
Pagresolba ng Mga Isyu sa Logistics
Mula sa port congestion hanggang sa documentation issues, ang logistics coordinator ay siyang unang tumutugon sa mga problema. Kaya naman, nararapat na taglay nila ang mabilis at tamang desisyon para matugunan ng maayos ang mga isyu sa shipping process.
Pangangasiwa ng Importanteng Dokumento
Ang maayos na record-keeping at document management ay hindi lang para sa compliance, kundi para na rin sa audit readiness at future reference ng iyong negosyo. Ito ay lalong mas makakatulong kapag mag-eexpand ka ng negosyo.
Key Takeaway
Ang sea freight forwarding regulations ay gabay para sa mas ligtas at mas maayos na global trade. Para sa mga SMEs at logistics coordinator, ang tamang kaalaman at pagsunod sa mga regulasyon ay susi sa maayos na supply chain at sustainable operations.
Dito sa Cargoboss, kami ay iyong kaakibat sa pagpapadala. Gagabayan ka namin sa bawat hakbang upang masigurado na mabilis at secured ang shipment mo. Maaari kang makipag-ugnayan dito at alamin ang ibang detalye tungkol sa aming sea freight forwarding service.