Paano Ginagawa ang Dropshipping
Paano ginagawa ang dropshipping?
- Pag-oorder ng customer online
- Pagtanggap ng seller ng order
- Pagpasa at pagproseso ng order sa dropshipper
- Pagpapadala ng dropshipper sa customer
- Pagtanggap ng customer sa produkto
Overview
- Sa pagsusuri ng proseso ng dropshipping, inilahad kung paano nagaganap ang bawat yugto mula sa pag-order ng customer online hanggang sa pagtanggap nito sa in-order na produkto.
- Tinutok ang kahalagahan sa pagpili ng CargoBoss bilang freight forwarder para sa dropshipping businesses, na nagbibigay nang maginhawa at mabilis na serbisyo para sa pagpapadala ng kargamento mula sa mga supplier sa China patungo sa Pilipinas.
Sa pagne-negosyo ng dropshipping, ipino-promote ng isang seller ang mga produktong ibinebenta niya online. Sa oras na um-order ang kanyang customer, ise-send niya ito sa dropshipper at ipapaalam sa customer na ang mga orders ay naasikaso na.
Maaari ding asikasuhin ng seller ang customer service upang matiyak ang kaniyang customer na darating ang mga orders nito. Sa artikulong ito, ating aalamin kung paano ginagawa ang dropshipping. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Pag-o-order ng Customer Online
Ang unang proseso na ito’y nangyayari kung saan ang customer ay bumibisita sa e-commerce platform ng seller upang um-order ng mga produkto. Ito ay katulad ng mga traditional na proseso nang pagbebenta online kung saan ang mga mamimili ay tumitingin sa mga produkto, inilalagay ang mga nagustuhan sa kanilang cart, at iche-check out ito kung gusto na nilang bilhin.
Pagtanggap ng Seller ng Order
Sa oras na mai-check out ng customer ang mga produkto, makakatanggap naman ng notification ang seller tungkol sa mga orders mula sa kaniyang online store. Makukuha niya rin ang mga kinakailangang detalye tulad ng dami ng mga produktong in-order, kanilang pangalan, shipping address, contact information, at iba pa.
Ang seller naman ay magpapadala ng confirmation order sa customer, patunay na natanggap niya ang order. Karaniwan, kasama rito ang mga detalye tulad ng order number, bilang ng items na binili, at inaasahang petsa nang pagdating.
Pagpasa at Pagproseso ng Order sa Dropshipper
Ang pagpasa ng mga detalye ng order mula sa seller sa dropshipper ay mahalaga upang maproseso nang maayos ang mga orders at maging tiyak na maibigay ang kailangan ng customer. Dahil dito, naihahanda ng dropshipper ang mga produkto sa tamang oras.
Ang mga detalye tulad ng produkto, bilang nito, at impormasyon ng customer ay importante upang matukoy kung aling mga produkto ang isasama sa order. Ito rin ang magiging basehan nang paghahanda ng inventory at pagkuha ng mga produkto na kinakailangan.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon nang maayos na komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng seller at dropshipper.
Pagpapadala ng Dropshipper sa Customer
Ang dropshipper ay isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang ihanda ang mga in-order na produkto para sa pagpapadala. Una, pinipili nila nang maingat ang mga produkto na kailangang isama sa bawat order. Kasama rin dito ang pagsasaayos at pagpa-pack ng mga produkto sa isang maayos at ligtas na paraan.
Sa huli, ipinapadala nila ang package direkta sa customer gamit ang mga impormasyon sa shipping na ibinigay ng nagbebenta. Natitiyak nila na ang mga in-order na produkto ay maaabot nang maayos.
Pagtanggap ng Customer sa Produkto
Sa huling bahagi ng proseso na ito, natatanggap na ng customer ang kanilang in-order na produkto mula sa dropshipper. Maaaring kasama sa package ang anumang branding o dokumentasyon na napagkasunduan sa pagitan ng seller at dropshipper.
Ito’y maaaring may kasamang flyer, brochure, o kahit anong iba pang promotional material na nagtatampok ng pangalan o logo ng seller. Ang mga ito’y naglalayong palakasin ang brand awareness ng seller at magbigay ng karagdagang impormasyon sa customer tungkol sa mga serbisyo at mga produkto na maaaring ibinibigay nito.
Piliin ang CargoBoss Bilang Cargo Forwarding Service para sa Inyong Dropshipping Business
Isipin ang pagpapatakbo ng isang online store nang walang pasanin ng inventory at logistics. Ito ang kagandahan ng isang dropshipping business sa Pilipinas, at lalo pang naiibsan ang proseso kapag may maaasahang kasosyo tulad ng CargoBoss na eksperto sa pagpapadala ng kargamento. Kami na ang magpapadala ng mga produktong iyong ibinebenta online upang makarating nang ligtas sa iyong mga customers.
Bilang isa sa mga pinakamahusay na freight forwarders sa bansa, layunin namin ang magbigay nang magaan at hassle-free transaction para sa mga dropshipping businesses na mayroong mga suppliers mula sa China.
Key Takeaway
Sa Pilipinas, ang dropshipping ay isang kakaibang business model kung saan ang mga indibidwal o kumpanya ay hindi nag-iimbak ng produkto. Ito ay nagbibigay-daan sa mga nagbebenta na mag-alok ng iba't-ibang mga items nang hindi kinakailangan ang pag-iimbentaryo o isang malaking investment. Dahil marami na ang may kaalaman kung paano ginagawa ang dropshipping, marami na rin ang nagkakainteres na subukan ang ganitong negosyo.
Bilang isa sa mga pinakamaaasahan pagdating sa logistcics, ang CargoBoss ay naglalayong mapabilis at maayos ang shipment ng mga produkto. Para malaman ang iba pang detalye sa aming mga serbisyo, maaari mo kaming kausapin para sa iyong mga katanungan.