Paano Planuhin ang Monthly Import Schedule para sa Iyong Online Business
Overview
- Ang pagpaplano ng monthly import schedule para sa iyong online business sa Pilipinas ay nagsisimula sa pag-check ng sales data, lead times, at reorder points upang maiwasan ang stockouts at delays.
- Mahalaga ring piliin ang tamang shipping method—sea freight para sa bulk goods o air freight para sa mas mabilis na delivery—habang sinusunod ang maayos na monthly schedule mula inventory checking hanggang quality inspection.
- Sa tulong ng CargoBoss, mas nagiging maayos ang coordination, tracking, at overall supply chain management ng shipments mula China papuntang Pilipinas.
Sa lumalaking mundo ng online trading sa Pilipinas, mahalagang maintindihan kung paano planuhin ang monthly import schedule para sa iyong online business. Kapag hindi maayos ang timing ng imports at inventory, maaari itong magdulot ng stockouts, delayed deliveries, at abala sa sales fulfillment.
Dahil dito, mahalagang magkaroon ng malinaw na import plan para mas maging organized ang inventory, mas maayos ang coordination sa suppliers, at mas stable ang supply chain ng negosyo.
Sa tulong ng maaasahang logistics partner tulad ng CargoBoss, mas napapadali ang pag-handle ng sea at air freight shipments mula China papuntang Pilipinas. Sa pamamagitan ng maayos na tracking, coordination, at shipment support, mas madaling mapanatiling tuloy-tuloy ang daloy ng inventory at deliveries ng business.
Pag-check ng Sales Data (Forecasting)

Ang pag-check ng sales data ang unang hakbang sa tamang demand forecasting para sa iyong online business. Sa pamamagitan ng pag-analyze ng historical sales, seasonal trends, at sales projections, mas madaling matukoy kung gaano karaming produkto ang kakailanganin bawat buwan.
Tingnan ang Sales Report
Hindi sapat na alam lamang kung ano ang mabenta; mahalaga ring suriin nang mabuti ang sales reports. Tingnan ang historical sales data, trending products, at seasonal peaks upang makita ang patterns ng demand.
Sa ganitong paraan, mas madaling malaman kung aling products ang kailangang dagdagan ng stock at alin ang maaaring hindi muna i-restock agad. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang stockouts at mas ma-manage nang maayos ang cash flow ng business.
Alamin ang Lead Time
Ang lead time ay ang kabuuang oras mula sa pag-place ng order hanggang sa pagdating ng produkto sa warehouse o fulfillment center. Mahalagang malaman ang average at maximum lead time ng bawat supplier o freight forwarder para mas maayos ang pagpaplano ng import schedule.
Kasama rin dito ang allowance para sa customs clearance, local transport, at posibleng delays tulad ng masamang panahon o port congestion. Dahil dito, mas nagiging tuloy-tuloy ang supply chain ng negosyo.
Magtakda ng Reorder Point
Ito ay ang quantity ng stock kung saan ka dapat mag-order bago maubos ang produkto. Para malaman ito, isama ang average daily sales, lead time, at buffer stock upang matiyak na hindi magkakaroon ng gap sa availability ng produkto.
Ang tamang reorder point ay nagbibigay ng predictability sa inventory handling, nakakatulong sa mabilis na replenishment, at makakaiwas sa pagkawala ng benta at tiwala ng customer sa iyo.
Pagpili ng Shipping Method
Mahalagang piliin ang tamang shipping method para mas akma ang delivery schedule sa pangangailangan ng iyong business. Nakadepende ito sa uri ng produkto, budget, urgency ng shipment, at target delivery timeline. Kapag tama ang napiling shipping option, mas madaling ma-manage ang inventory at maiwasan ang unnecessary delays.
Sa mga ganitong import decisions, nakakatulong ang CargoBoss sa maayos na planning at coordination ng shipments mula China papuntang Pilipinas.
Sea Freight
Ang sea freight ay karaniwang ginagamit para sa malalaking volume ng produkto at heavy shipments. Mas matagal ang transit time nito kumpara sa air freight, pero mas cost-effective ito para sa bulk orders at regular monthly imports. Mainam ito para sa businesses na may mas flexible na delivery timeline at gustong mas makatipid sa shipping costs.
Air Freight
Ang air freight naman ay mas angkop para sa urgent, high-value, o fast-moving products. Mas mabilis ang delivery time nito kaya ginagamit ito kapag kailangan agad ma-restock ang inventory o may hinahabol na sales period. Mas mahal ito kumpara sa sea freight, pero kapalit nito ang bilis at mas mababang risk ng delays.
Pagbuo ng Monthly Schedule (Calendar View)

Simulan ang pagbuo ng monthly import schedule sa pamamagitan ng paglista ng expected shipments sa isang calendar, kasama ang expected arrival dates, lead times, at sales cycles. Sa ganitong paraan, mas madaling ma-align ang mga import dates sa promotions at supplier schedules, at mabilis na matutukoy kung may potential overlaps na magaganap.
Week 1: Inventory Check at Ordering
I-check ang iyong present stock at tukuyin kung alin sa mga produkto ang kailangang i-reorder. Gumawa ng listahan ng necessary quantities at i-place ang orders sa distributors, kasabay ng pg-consider ng lead times para matiyak ang pagdating ng cargo sa tamang oras.
Week 2: Supplier Production at Shipping
Makipag-coordinate sa iyong suppliers para makasigurado na tapos at handa na ang produksyon ng iyong order. I-confirm ang shipping schedule at i-prepare ang lahat ng dokumento para sa smooth na proseso ng pagpapadala.
Week 3: Transit at Customs Clearance
Habang on the way na ang iyong cargo, i-track ang transit ng shipments gamit ang monitoring systems. Huwag kalimutang ihanda ang customs documentation at panatilihin ang linya ng komunikasyon sa freight forwarder upang matiyak na maayos ang clearance at maiwasan ang delays sa port.
Week 4: Receiving at Quality Check
Kapag dumating ang iyong shipments sa naturang destinasyon, i-verify agad ang quantities at kondisyon ng produkto. Gawin ang quality check upang matiyak na walang damage o errors, bago ito ilagay sa warehouse o ipadala sa customers.
Tips para sa Successful Importation
Upang masiguro ang continuous flow ng imports, mahalagang magkaroon ng praktikal na strategies sa bawat hakbang ng proseso. Ang koordinasyon sa suppliers at freight forwarders, at proactive na inventory management ay makakaiwas sa stockouts, delays, at iba pang abala sa supply chain.
- Gumamit ng Tools: Gumamit ng digital tools o software para sa inventory tracking, sales forecasting, at import scheduling.
- Maglaan ng Buffer Stock: Magtabi ng extra stock upang maiwasan ang kakulangan ng inventory lalo na kapag peak seasons o biglaang tumataas ang demand.
- Piliin ang Tamang Forwarder: Makipag-partner sa maaasahang freight forwarder tulad ng CargoBoss upang magkaroon ng mas maayos na shipment coordination at delivery management
Key Takeaway
Sa madaling sabi, ang kaalaman kung paano planuhin ang monthly import schedule para sa iyong online business ay susi sa efficient na supply chain, reduced stockouts, at patuloy na paglago. Mula sa sales forecasting, pagpili ng shipping method, hanggang sa lingguhang calendar view, bawat hakbang ay magreresulta sa predictabile operations.
Kaya simulan na ngayon ang pagpapatupad ng practices na ito kasama ang maaasahang partner tulad ng Cargoboss. Kami ang iyong expert sa sea at air freight mula China patungo Pilipinas, na may real-time tracking at professional handling para sa smooth na deliveries. Makipag-ugnayan na sa amin ngayon!