Ano ang Pabayad Service ng CargoBoss at Paano ito Makatutulong sa Iyong Online Business

Patok na patok ngayon ang mga negosyong nakikita online, at dahil dito, kinakailangang malaman ang mga serbisyong maaaring makatulong upang makapasok ka sa online business. Ang aming Pabayad Service dito sa CargoBoss ay nagbibigay-gabay at maaaring magpadali sa transaksiyon ng mga business owners sa kani-kanilang mga suppliers sa China.

Sa blog na ito, ating aalamin kung paano gamitin ang Pabayad Service ng CargoBoss para mas mapabilis at mapaigi ang transaksiyon ng iyong negosyo online.

Mabilis na Pagta-transfer ng Bayad sa Bangko

Kadalasan, ang mga bangko ay nagpapataw ng iba’t-ibang uri ng bayarin kapag nagpapadala ka ng pera sa ibang bansa o nagbabayad ng mga transaksiyon na may kinalaman sa international trade. Ito ay dahil sa remittance fees, foreign exchange fees, at iba pa.

Halimbawa, ang foreign exchange rates o ang palitan ng pera ay maaaring magbago araw-araw. Kapag nagbabayad ka sa ibang bansa, ang kasalukuyang exchange rate ay maaaring makaapekto sa halaga ng iyong ibabayad. Kung kaya’t malaking epekto ito para sa mga Pilipinong nagne-negosyo online.

Ngunit, ‘wag kang mag-aalala. Sa aming Pabayad Service, mayroon kaming direktang paglipat ng pera mula sa iyong bank account dito sa Pilipinas patungo sa iyong Chinese supplier. At sa tulong ng aming partner na FOREX company, kami’y nakakapag-alok ng pinakamababang RMB to PHP conversion rates.

Ligtas at Maasahang Financial Transaction sa Iyong Supplier sa China

Ligtas at Maasahang Financial Transaction sa Iyong Supplier sa China

Alam namin na ang perang iyong pambayad sa iyong supplier ay dahil sa iyong pagsisikap na mapalago ang iyong negosyo. Kaya naman ang ligtas na financial transaction ay nagbibigay ng proteksiyon laban sa anumang pagkawala, pandaraya, o scam ng iyong pera.

Idagdag pa rito na maraming mapanlinlang na suppliers sa mundo ng international trade kung kaya’t dapat mong siguraduhin na maaasahan ang serbisyong gagamitin mo. Ang aming Pabayad Service ay sumusunod sa pamantayan ng seguridad sa transaksiyon mula sa anumang panganib ng cybersecurity.

Mayroon kaming malinaw at bukas na proseso, kung saan ipapaliwanag namin sa ‘yo nang detalyado ang bawat hakbang sa pagbabayad. Higit pa rito, ang aming team ay tutulungan kang i-verify ang financial transaction mo upang maging kumpiyansa kang maihahatid nang maayos ang iyong bayad sa supplier ng mga produktong nais mong bilhin sa China.

Makakatipid Mula sa Mahal na Pagbabayad ng Cargo Shipment

Kapag nagawa mong makatipid sa iyong cargo shipment expenses, nadaragdagan ang iyong kita. Ang pagbawas ng mga gastos sa pagpapadala ay nagpapataas ng kita sa bawat transaksiyon.

Sa CargoBoss, ito ay posible. Ang aming maaasahan at mapagkakatiwalaang Pabayad Service ay tuturuan kang makatipid mula sa gastos ng cargo shipment, na magbibigay-daan sa ‘yo upang mas makapagbigay ng murang presyo para sa iyong mga produkto.

Sa ganitong paraan, maaaring mas maraming customers ang maakit at mapalakas pa ang market presence mo. Bukod pa rito, makakatulong din ang serbisyong ito upang mapanatili ang sustainable growth ng iyong negosyo.

Mas Madali ang Buyer-to-Supplier Payment Process

Mas Madali ang Buyer-to-Supplier Payment Process

Sa kalakaran ng online business, importante ang madaling proseso nang pagbabayad upang mas maging mabilis mong matanggap ang mga produktong binili mo. Napapabilis din nito ang buong supply chain at pagkakaroon ng mga produkto na iyong ibebenta sa mga customers.

Ang paggamit ng aming Pabayad Service ay madali lamang at siguradong ikaw ay makakatipid. Ito’y dahil makakaiwas ka sa mga mataas na bayarin sa transaksiyon na kaugnay nang paggamit ng iyong debit card o credit card para sa pagbabayad. Dagdag pa rito, direkta naming ita-transfer ang iyong bayad sa iyong supplier sa China sa loob ng 1-4 business days.

Mga Hakbang sa Paggamit ng Aming Pabayad Service

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, magiging maayos ang proseso nang pagkuha ng mga kinakailangang impormasyon upang makapagbayad nang hindi mabubutas ang iyong bulsa o pitaka.

  1. Humingi ng mga detalye ng bank account ng supplier.
  2. Ipasa ang buong detalye nito sa amin.
  3. Humingi ng Performa Invoice (PI) mula sa supplier para sa kabuuang halaga ng produkto at bayad sa pagpapadala.
  4. Ipasa ang kopya ng PI sa amin.
  5. Ibigay ang kasalukuyang palitan ng Chinese Yuan patungo sa Philippine Pesos.

Key Takeaway

Ang Pabayad Service ng CargoBoss ay tumutulong sa mga negosyante na makapagbayad nang mabilis sa kanilang mga suppliers mula sa China. Ito ay hindi lamang nagpapadali ng proseso kundi nakakaiwas din mula sa mataas na bayarin. Sa tulong ng serbisyong ito, mapapabilis ang mga transaksiyon, matutugunan ang mga supplier payment obligations nang mabilis at maaasahan, at maaari kang mag-focus sa iba pang mahahalagang aspeto ng iyong negosyo.

Subukan mo na ang aming Pabayad Service na pinagkakatiwalaan ng maraming online sellers, na nagpapagaan ng kani-kanilang negosyo. Para sa iba pang katanungan o impormasyon, ‘wag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe rito.