Ano ang Mga Procedures na Dapat Sundin sa Air Freight Services

Ano ang procedures na dapat sundin sa air freight services?

  1. Paghahanda ng cargo
  2. Pag-aayos ng documents
  3. Pag-book at pagpili ng forwarder
  4. Pickup at export customs clearance 
  5. Air transport at import customs clearance
  6. Final delivery ng cargo

Overview

  • Unawain ang mga proseso ng air freight mula sa maayos na paghahanda ng cargo, tamang packing, sukat, at dokumentasyon hanggang booking, customs clearance, at ligtas na final delivery.
  • Kumpletong papeles tulad ng invoice, AWB, at permits ay nakakatulong maiwasan ang delays, fines, at shipment holds.
  • Ang Cargoboss ay tumutulong gawing mas simple ang prosesong ito sa pamamagitan ng expert handling para sa mabilis at maaasahang shipment mula China papuntang Pilipinas. 

Pagdating sa larangan ng international shipping, ang air freight services sa Pilipinas ay isa sa mga pinaka-epektibong paraan upang maipadala ang kargamento nang on time at secure. Pero hindi sapat ang bilis, kailangan ding matiyak na tama at kumpleto ang bawat hakbang para maiwasan ang delays, violations, at pag-hold ng shipment sa customs.

Sa blog na ito, tatalakayin natin ang tamang procedures na dapat sundin sa air freight services para mapanatili ang consistent operations ng iyong negosyo.

Paghahanda ng Cargo 

cargo at globe na nakalagay sa laptop

Ang paghahanda ng cargo ay ang pagtiyak na nakabalot nang maayos ang mga produkto at compliant sa airline at safety protocols para maiwasan ang damage, delays, at issues sa checks.

  • Matibay na Packing: Gumamit ng durable na packing materials tulad ng double-wall cartons, wooden crates, o pallets na angkop sa produkto. Balutin ang mga ito gamit ang bubble wrap, foam, o cushioning para maprotektahan ang package sa byahe.
  • Tamang Timbang at Sukat: Tiyaking tama ang timbang at sukat (length, width, height) ng cargo dahil sa air freight, gumagamit sila ng chargeable weight para matukoy kung pasok ito sa allowable limits o hindi.
  • Malinaw na Marking at Labeling: Kabilang dito ang consignee details, contact information, at handling instructions tulad ng "handle with care." Kung may special cargo, mag-label ng "hazardous" o "temperature-sensitive" para masunod ang rules ng airline.

Pag-aayos ng Documents

Kapag kumpleto at tama ang papeles, mas mapapabilis ang customs clearance at maiiwasan ang late deliveries, fines, o shipment hold.

  • Commercial Invoice: Gumawa ng kumpleto at detalyadong document na naglalaman ng description ng produkto, quantity, unit value, at total value ng shipment. Siguraduhing tugma ang lahat ng detalye para walang problema sa customs.
  • Packing List: Ito ay dapat naglalaman ng exact content ng bawat kahon, kabilang ang bilang ng items, timbang, at sukat, at dapat itugma sa commercial invoice.
  • Air Waybill (AWB): Ito ay kino-coordinate sa iyong forwarder, at dapat tama ang shipper at consignee details, flight information, at cargo description.
  • Shipper's Letter of Instruction (SLI): Ibigay ito sa iyong freight forwarder na may instructions kung paano ibibigay ang cargo at ipapadala. Ilagay din ang shipping terms at special handling requirements para masunod ang iyong mga gusto sa buong proseso.
  • Special Permits at Certificate of Origin: Kumuha ng special permits para sa regulated goods at certificate of origin na nagpapatunay kung saan ginawa ang produkto.

Pag-book at Pagpili ng Forwarder

reliable at experienced na forwarder

Sa process na ito, mahalagang pumili ng trusted na freight forwarder na may comprehensive services, magandang transit time, at maayos na pag-handle ng iyong cargo. Makipag-coordinate nang maaga para ma-secure ang flight schedule, ma-prepare ang documents, at ma-comply sa procedure ng pickup and delivery.

Sa CargoBoss, ang reliable freight forwarder sa Pilipinas,pinapadali namin ang stage na ito sa pamamagitan ng efficient booking system, expert handling, at maaasahang air freight services mula China hanggang Pilipinas. Bilang iyong forwarder via air, matitiyak ng mga negosyo ang mabilis, maayos, at well-coordinated na shipment dahil kumpiyansa kami sa aming logistics operations.

Pickup at Export Customs Clearance 

Ito ay isang mahalagang proseso bago makaalis ang cargo sa bansang pinagmulan nito. Kabilang dito ang pag-submit ng correct papers, declaration ng mga produkto, at pagsunod sa export policies. Kapag may kulang o mali sa documents, maho-hold ang iyong padala at maaapektuhan ang delivery timeline.

Sa Cargoboss, masinop kami pagdating sa bahaging ito. May solid na karanasan kami sa export customs documentation, kaya mas mabilis at maayos ang proseso para sa aming mga kliyente. Matitiyak ng mga negosyante na compliant ang lahat ng requirements para maiwasan ang aberya sa shipping flow.

Air Transport at Import Customs Clearance

Ang iyong cargo ay ipinapadala mula sa origin country hanggang sa lugar ng destination sa pamamagitan ng airline carriers. Dito, importanteng ma-track and shipment condition at kumpleto ang coordination sa freight forwarder upang maiwasan ang anumang klase ng aberya habang nasa transit.

Pagdating sa bansang pinatunguhan, mayroong imprt customs clearance upang suriin ang mga papeles, declared value, at uri ng goods na ipinadala. Kapag kumpleto at tama ang lahat ng requirements, mas mabilis na nailalabas ang kargamento; ngunit kung may discrepancies, maaari itong ma-delay o ma-hold hanggang sa maayos ang isyu.

Final Delivery ng Cargo

Ito ang huling procedure ng air freight kung saan ang cargo ay ipu-pull out mula sa warehouse o customs facility at dadalhin sa consignee o end destination. Sa puntong ito, mahalagang i-verify ang delivery information tulad ng address, contact person, at schedule para walang aberya.

Kapag maayos ang coordination sa trucking provider at logistics partner, mas magiging mabilis at secure ang pagdating ng shipment sa final recipient. Bilang resulta, natatapos ang buong shipping cycle nang ayon sa plano at sa tamang oras.

Mahalagang Tandaan

Ang bawat proseso, mula sa paghahanda ng cargo, pag-aayos ng dokumento, customs clearance, hanggang sa final delivery, ay kritikal upang maging matagumpay ang shipping cycle.  Gayunpaman, ang maliit na pagkakamali sa alinmang bahagi ay maaaring magdulot ng delays, dagdag na gastos, o pagkakaantala ng operasyon.

Key Takeaway

Ang pag-unawa sa procedures na dapat sundin sa air freight services ay susi sa matagumpay na shipments. Mula packing, documents, customs clearance, hanggang delivery, nakatutulong ang mga ito para maiwasan ang delays at extra costs.

Para sa pagkakatiwalaang air freight services sa Pilipinas, magtiwala sa Cargoboss. Sa amin,  mas magiging mabilis at secure ang iyong mga kargamentio mula China papuntang Pilipinas. Makipag-ugnayan na sa amin ngayon!