Ang Proseso ng Air Cargo Handling

Ano ang proseso sa pag-aasikaso ng air cargo?

  1. Paghahanda at pagbo-book
  2. Pagpi-pick up at pagpapadala
  3. Pagsusuri sa sekyuridad
  4. Pag-loading at paglipad
  5. Pag-unloading at paghahatid

Overview

  • Mahalaga ang proseso ng air cargo handling sa pagpapadala ng kargamento mula China patungong Pilipinas.
  • Mula paghahanda hanggang delivery, bawat hakbang ay kinakailangang maingatan para sa mabilis, epektibo, at secure na paghahatid ng mga produkto.
  • Ang koordinasyon at pag-aalaga mula sa air freight forwarders ay mahalaga upang mapanatili ang maayos na proseso ng pagbiyahe.

Mahalagang tukuyin ang kabuuang bilang ng mga air freights kapag pinag-uusapan ang proseso ng air cargo handling. Ito’y upang malaman mo kung ano-ano ang mga rehistradong air freight forwarders sa bansa.

Sa inaasahang 0.67 bilyong TKM ng air freights at 312.50 libong bilang ng registered carriers sa 2024, kailangan mong masigurong mabisa, maaasahan, at secure ang iyong air cargo mula China papasok sab Pilipinas.

Ang artikulong ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng tamang proseso sa pagha-handle ng air cargo para sa maayos na transportasyon. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Paghahanda at Pagbo-book

Ang paghahanda ay tumutukoy sa pag-aayos ng mga produktong iyong binili at ipapasok sa Pilipinas mula sa China. Kasama rito ang pagpa-pack ng mga goods upang masigurong nasa maayos silang kalagayan at maiiwasan ang pagkasira o pagkabasag ng mga ito.

Maliban sa mga produktong ipapadala mo, kailangan mo ring tiyakin na naihanda mo ang mga dokumentong kinakailangan tulad ng declaration of customs, air waybills, at iba pa. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang anumang pinasala, pagkawala, o pagka-delay ng pagpapadala mo.

Sa kabilang banda naman, ang pagbo-book ay tungkol sa pag-aayos ng space ng iyong shipment sa eroplano. Ito’y sa pamamagitan ng pakikipag-coordinate ng mga airlines o freight forwarders.

Pagpi-pick up at Pagpapadala

Pagpi-pick up at pagpapadala

Ang pagpi-pick up ay nagiging daan naman sa pagitan ng air cargo terminal at ng nagpapadala. Halimbawa, pagkatapos i-packaging at i-label ang iyong mga goods, ito ay pi-pick up-in ng forwarder mula sa warehouse at ita-transport sa destinasyon ng airport. Sa paraang ito, tiyak na mabilis at epektibo ang paghahatid, lalo na sa mga goods na may deadline sa pagpapadala.

Sa oras na dumating na ang goods sa airport, dadaan ang mga ito sa masusing pagsusuri ng customs upang siguruhing ligtas ang lahat ng mga produktong iyong ipapadala sa Pilipinas.

Pagsusuri sa Sekyuridad

Ang pagsusuri sa seguridad ng mga produktong iyong ipapala sa Pilipinas ay importante upang matiyak ang kaligtasan at integridad ng airlines—pati na rin ng mga flight passengers.

Nakakatulong ito upang maiwasang makapasok ng mga delikadong produkto tulad ng pampasabog, armas, drugs, at iba pa. Sa pagsasailalim ng mga materyales sa mabusising proseso ng pagsusuri, nakakasigurong walang anumang peligro ang mangyayari at tiyak na nasusunod ang regulations ng aviation.

Pag-loading at Paglipad

Pag-loading at paglipad

Ang pag-loading ay ang maingat na pag-aayos at pagse-secure ng mga cargo sa loob ng eroplano sa pamamagitan ng paggamit ng tamang space. Ito rin ay nakakatulong upang matiyak na balanse ang pagkakalagay ng mga materyales sa loob.

Ang tamang paggawa nito ay nakakatulong upang masigurong hindi mauusog o mababago ang posisyon ng mga cargo habang lumilipad ang eroplano. Kaya naman, importante ang tamang pagsunod sa tamang timbang na kinakailangan ng iyong cargo.

Sa kabilang banda, ang paglipad naman ng iyong cargo ay nangangailangan nang maingat na pagpapatupad para maging magaan ang paglipad mula sa lupa papuntang ere.

Sa loob ng eroplano ay may mga espasyong nakalaan para sa paglalagay ng iba't-ibang uri ng kargamento. Ang mga ito ay dinisenyo para maging secure at safe habang nasa biyahe ang eroplano. Nakakatulong ito upang matiyak na maayos ang paglipad ng mga padala.

Pag-unloading at Paghahatid

Ang pag-unloading naman ay sa pagitan ng ground crew at air traffic control upang ligtas na maipadala ang mga cargo. Sa oras na matapos na ang biyahe, kailangang ilabas ang mga ito at agad na ilipat sa warehouse bago ito ipadala sa iyong address. P’wede rin agad itong ipadala sa mismong araw upang maiwasan ang gastos sa warehouse fee at agad mong makuha ang iyong mga binili.

Sa pamamagitan ng magaan na pagpapatupad ng unloading at paghahatid sa tamang address, maaaring mapabilis ang pag-abot mo ng iyong mga binili. Ito’y sa tulong na rin ng maaasahang air freight forwarder na iyong ka-partner upang mapabilis ang buong proseso.

Key Takeaway

Ang pangunahing kailangan ay ang maingat na paghahanda at koordinasyon sa bawat proseso ng air cargo handling. Mula sa pag-load hanggang sa paghahatid, ang tamang pagpaplano at implementasyon ay mahalaga upang mapanatili ang kahusayan at seguridad ng operasyon. Masisiguro ang mabilis at maayos na paglipat ng mga kalakal mula sa isang lugar patungo sa kanyang patutunguhan.

Tuklasin and kakaibang karanasan sa CargoBoss, ang inyong pangunahing freight forwarder sa Pilipinas. Pagkatiwalaan ninyo kaming maghatid ng inyong shipment nang mabilis at ligtas patungo sa inyong tahanan. Makipag-ugnayan sa amin ngayon para sa mga walang-hassle na solusyon sa logistics na ayon sa inyong pangangailangan.