Mga Dapat Tandaan Bago Gumamit ng Air Freight Services

Ano ang mga dapat mong tandaan bago ka gumamit ng air freight services?

  1. Alamin ang iyong shipping requirements
  2. Suriin ang kabuuang gastos
  3. Tiyakin ang tamang timbang at sukat
  4. Ihanda ang kumpletong dokumento
  5. Pumili ng maaasahang air freight forwarder

Overview

  • Mabisang paraan ang paggamit ng air freight services para sa mabilisang shipment. Para wala kang mae-encounter na problema, importanteng ihanda ang mga tamang requirements at impormasyon sa timbang at sukat ng shipment.
  • Sa tulong ng CargoBoss, mas mapapadali ang proseso ng air freight services dahil sa kanilang transparent pricing at  reliable na logistics support.

Kung mabilisang delivery ang kailangan mo para sa mga shipments mula sa China, air freight services ang isa sa mga pinakamainam na options. Nuginit, may ilang importanteng bagay na dapat mong isipin para siguradong maayos ang magiging takbo ng shipping process mo.

Isa sa mga dapat mong tandaan bago ka gumamit ng air freight services ay ang pakikipag-partner sa kumpanyang may sapat na kaalaman sa logistics at customs. Dito pumapasok ang tulong ng CargoBoss, na may karanasan sa air cargo shipments at kumpletong support system sa bawat hakbang ng shipment. Talakayin natin ang mahahalagang bagay na dapat mong i-check bago ka magpadala.

Alamin ang Iyong Shipping Requirements

Bago ka mag-book ng air freight, kailangang alam mo kung ano ba talaga ang ipapadala mo. Mahigpit ang security ng ganitong serbisyo. May mga padalang nangangailangan ng special permits, lalo na kung ito ay naglalaman ng electronics o perishable goods. Importante ring alam mo kung gaano ito kabigat at madali masira upang mapaghandaan kung kailangan ba nito ng extra packaging.

Bukod sa uri ng produkto, isipin mo rin kung urgent ba ito o kaya okay lang kung sa ibang araw pa dumating. Dahil mahal ang shipping fees ng air freight services, mas praktikal ang solusyon na ito kung hindi ka naman madalas nagpapadala ng mga package overseas. Tiyakin mong klaro ang requirements mo para madali kang matulungan ng freight forwarder na lalapitan mo. 

Suriin ang Kabuuang Gastos 

Suriin ang kabuuang gastos

Maraming napapamahal sa air freight dahil hindi nila alam ang buong breakdown ng bayarin. Akala nila, quoted price lang ang babayaran, pero biglang may lalabas na handling fee o  terminal charge na hindi agad nabanggit sa umpisa. Bago ka pumirma o mag-confirm ng booking, alamin mo muna ang lahat ng possible charges. Dapat malinaw kung ano ang kasama sa binayad at ano ang mga additional costs.

Mas makakatulong kung pipili ka ng reliable partner tulad ng CargoBoss na transparent sa pricing. Nagbibigay kami ng all-in quotation para hindi ka mabigla sa total amount na kailangang bayaran, at natitiyak namin na transparent kami pagdating sa mga additional fees. Iwas duda, iwas stress.

Tiyakin ang Tamang Timbang at Sukat

Sa air freight, ang bigat at laki ng cargo ang basehan ng pricing, kaya mahalagang malaman ang sukat at timbang ng shipment mo bago ka mag-book. Hindi naman kailangang eksakto sa limit ang sukat, pero siguraduhin mong accurate ang ipe-present mo sa makikitang timbang ng customs. Kung mali ang declared weight ng package mo, posible kang masingil ng additional charges bago simulan ang shipment. 

Iwasan mong manghula ng timbang. Gumamit ka ng basic scale at tape measure kung wala kang access sa weighing station. Tandaan: mas magaan, mas okay. Kaya sinusukat ang bigat ay dahil na rin sa safety concerns sa air freight. Mayroon lang tamang weight na recommended para hindi dumagdag sa bigat eroplano, kaya importanteng sundin mo kung anong limitasyon ang i-set ng air freight services.

Ihanda ang Kumpletong Dokumento

Ihanda ang kumpletong dokumento

Hindi sapat na item lang mismo ang ipapakita mo sa customs. Dapat may kasama kang tamang dokumento. Kadalasan, hihingan ka ng commercial invoice, packing list, at air waybill. 

Kung special goods ang ipapadala, kakailanganin mo pa ng import permits o kaya nama’y certification. Bawat dokumento ay may importantent papel sa customs, kaya huwag mong kalimutang ihanda ang mga ito bago ka magpadala.

Kapag kulang ang documents mo, maaaring ma-hold ang shipment mo o kaya nama’y ma-reject. Huwag kang mahiyang magtanong sa freight forwarder kung hindi ka sigurado sa mga kailangang ihanda—may mga service providers na tumutulong sa pag-prepare ng documents, lalo na kung first time shipper ka. 

Ito ang mga dokumentong madalas hinihingi para sa air freight:

  • Commercial Invoice
  • Packing List
  • Air Waybill
  • Certificate of Origin
  • Insurance Certificate
  • Dangerous Goods Declaration (kung may hazardous materials)

Pumili ng Maaasahang Air Freight Forwarder

Sa dami ng nagpapadala ngayon, hindi p’wedeng basta-basta lang ang pagpili mo ng courier. Kailangang sigurado kang extensive ang experience nila sa pagbibigay ng serbisyong air freight. Alamin mo ang mga sumusunod: Malinaw ba ang proseso nila? Mabilis ba silang mag-update? Basta maayos ang sistema ng napili mong air freight forwarder, mas lalo kang makakaiwas sa dagdag gastos at delay.

Sa CargoBoss, may solid experience kami sa pagpapadala via air freight. Mayroon kaming mga reliable na customs brokers at delivery partners na tumutulong para masiguradong secure ang iyong shipment, at nagpo-provide din kami ng high-quality customer service para gabayan ka sa bawat hakbang ng shipping, lalo na kung first-time mong magpapadala ng air cargo. Piliin mo ang partner na hindi ka iiwan sa ere.

Key Takeaway

Kung gusto mong siguradong makarating ang padala mo sa dapat nitong paroonan, alamin mo ang mga dapat tandaan bago ka gumamit ng air freight services. Bawat detalye ay may epekto sa overall cost at delivery time ng air cargo mo. Kaya sa bawat parte ng air freight service, tiyaking hindi lang bilis ang kaya nilang ibigay.

Bilang isang air freight forwarding expert, makakatulong ang CargoBoss sa end-to-end process. Matitiyak namin na ligtas na makakarating ang air cargo mo sa iyong target destination. Mag-iwan ka ng message sa 'min ngayon para sa mga inquiries tungkol sa aming services.